THE POWERFUL ARTEMIS

1.5K 56 7
                                    


Isabelle's POV

Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita namin ang nagliliwanang na katawan ni Cassandra na nakalutang sa ere.


Ang kaniyang kaliwang mata ay pula na mistulang nag-aapoy habang ang kanan ay kulay asul na tila nag yeyelo.


Lahat ay natigil para pagmasdan s'ya. Ang mga Quins ngayon ay hindi na makagalaw dahil sa liwanag na dala ni Cassandra.


Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ang tunog ng mga basag na salamin. It was Jake who look really worried. Para bang gusto n'yang pumunta ngayon kay Cassandra para kuhanin ito.


Nakalutang si Cassandra sa harapan ng napakalaking asul na buwan sa kalangitan. Nakabukas ang kaniyang mga mata pero malalaman mong wala s'yang nakikita.


She's like sleeping with both eyes open.


Ang kaniyang buhok ay umaalon dahil sa hangin at umiilaw para mag-iba ng kulay.


"Where's Spade?" biglang tanong ni Master Jake.


Lahat kami ay natahimik at hindi makasagot dahil wala ni isa saamin ang nakakaalam kung nasaan ang hari ng Quins. Ang hari na nagawang saktan ang sariling anak para sa kapangyarihan.


Power...


Power really can create peace or can cause chaos.


"I need to find him! I'll make him pay for what he did!" galit na sabi ni Jake.


Walang nagsalita saamin. Lahat kami ay damang dama ang galit na mayroon s'ya.


"This will end right now"


Nagulat kami nang magsalita si Mr. Soulford na ngayon ay hinang hina. Tumingin s'ya sa kinaroroonan ni Cassandra dahilan para mapatingin din kami doon.


Nanlaki ang mata ko at napalunok nang makita ang mga simbolo sa leeg ni Cassandra.


Unti-unti itong natanggal sakaniya at umangat sa kaniyang ulo at umikot nang napakabilis.


Sa sobrang bilis nito at sobrang liwanag ay kinailangan naming mag takip ng aming mga mata.


Naramdaman namin ang malakas na pwersa na galing kay Cassandra kaya mabilis akong lumapit sa katabing puno ko para kumapit.


May malakas na hangin na tumatangay saamin papunta kay Cassandra.


Damn...her powers is too strong to handle! I can't hold on any longer!


Hinigpitan ko ang hawak ko sa puno ngunit lalo itong dumudulas dahil sa lakas ng higop saamin. Nang hindi ko na makayanan ay agad na akong nakabitaw ngunit may isang kamay na humabol saakin.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now