Chapter 38

1K 53 3
                                    


Chapter 38: Portal

Cassandra's POV

"Let's go!"


Naghahanda na kaming lahat ngayon para umalis dito sa hotel ni Auntie Lucy dahil ba-byahe na kami para puntahan ang makakatulong saamin para makapasok sa Golden City.


Kagabi ay nakapag-ikot pa kaming tatlo nila Belle at Trisha dito sa Yehan dahil hindi kami makatulog. Kahit sabihin naming pagod kami dahil sa labanan ay hindi pa rin kami napigilan nito lumabas. Hindi din kami nagpaalam sa boys dahil magagalit lang sila.


Alam din ni Auntie Lucy ang pag-labas namin at nangako na hindi sasabihin sa boys ang tungkol doon. Pinasama n'ya saamin si Trisha kaya tatlo kaming nakagala sa sentro ng Yehan.


Ang Yehan City ay kilala sa kanilang mga kagamitan. Sakanila galing halos lahat ng mga bagong gamit sa buong magic world. Mga bagay na na invent nila at mga kuha nila sa mundo ng mga tao. Halos lahat sa Yehan ay mga Wizard kaya ang ibang Wizard ay dito pumupunta kapag tapos na ang pag-aaral sa Goblin.


Madami kaming nakitang shops and factory dito pero isang store lang ang pinasukan namin kagabi. Isa itong antique shop malapit sa hotel ni Auntie Lucy.


"Cassandra"


Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Liro para sumakay na. Lumakad na ako papuntang sasakyan namin at sumakay. Napagpasyahan ko sa likod umupo pero binawi din nang isang matalin na mata ang makasalubong ko.


"Thank you, Auntie Lucy!" kumaway-kaway pa si Belle habang papalayo kami kay Auntie Lucy na hinatid kami ng tingin.


"Liro! Look at me please"


Nakalimutan ko bigla na kasama pala namin si Trisha dahil gusto n'ya daw kami tulungan sa gagawin namin. Noong una ay ayaw pumayag ni Liro pero dahil pumayag si Jake ay wala s'yang nagawa kung hindi ang sumunod.


Hindi ko nga maintindihan si Jake. Noong sila Blizz ang sasama ay ayaw n'ya. Pero si Trisha ay madali s'yang napapayag.


"Mabuti nalang at hindi nahawa si Auntie Lucy sa mga Han, 'no? Ang creepy kasi nung iba sakanila" si Belle.


"Hindi kasi ako maka get over sa creepy na may-ari ng antique shop kagabi. Grabe s'ya makatingin tapos nakita ko 'yung wand n'ya ay may kuko?" dagdag ni Belle.


Bigla naman akong napasinghap sa narinig. Tinignan ko si Trisha na biglang lumaki ang mata nang mapagtanto ang sinabi ni Belle.


"Ah..Eh..I-inaantok pala ako" si Belle at pumikit.


Tinignan ko ang tatlong lalaki na matalim na ang tingin saaming tatlo. Lalo na ang driver na bagamat nakatingin sa daan at sumulyap ay halata mo na ang galit.


"Lumabas kayo kagabi?" si Blizz na tunog galit.


Hindi naman kami sumagot dahil sa kaba.


"At hindi n'yo kami niyaya!?" dagdag ni Blizz dahilan para makatanggap s'ya ng hampas kay Liro.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now