Chapter 31

1K 68 3
                                    

Chapter 31: Missing Potions

Cassandra's POV

Nandito ako ngayon sa dorm at nakababad sa katamtamang tubig sa shower habang iniisip ang nangyari kanina sa eastern side.


"Aaaaaaaa!"


Napasigaw ako sa inis nang maalala ang lahat ng nagawa ko dahil sa takot. Una, ang pag tawag sa pangalan n'ya,pangalawa ang pag-iyak dahil wala s'ya doon at ang panghuli ang pagyakap n'ya sakin!


"Cassandra!? Ayos ka lang? Anong nangyari? Nadulas kaba!?" Nag-aalalang tawag sakin ni Belle sa pinto ng banyo. Gano'n nalang ata kalakas ang sigaw ko dahil sa reaksyon n'ya.


Pinatay ko ang shower at kinalma ang sarili. Lumapit ako sa pinto para mag-salita.


"Ayos lang ako Isabelle. May..may ano lang..ugh..Ipis! Oo, tama! May ipis kaya ako napasigaw!"


Natampal ko ang noo ko dahil sa ginawa kong palusot. Mukhang gumana naman iyon dahil narinig ko na ang pag-alis ni Belle sa harapan ng pinto.


Gosh! Nakakahiya talaga! Ano nalang sasabihin n'ya saakin? Ang dami n'yang nagawa sakin nitong mga nakaraang araw, lalo na ang pag tulong n'ya sakin kay Fiona at pag dala sakin sa clinic.


Kagat-kagat ko ang labi ko habang iniisip iyon. Nang natapos akong maligo at magbihis ay nag review ako dahil marami kaming quiz bukas. Kasabay ko si Belle mag review at seryosong-seryo s'yang mag aral habang ako ay lumutang sa isang kaisipan.


Nasaan na kaya sila Kate? Kung ano man ang ginagawa nila, bakit naman hindi nila kami sinama! Pero atleast wala akong ma missed na lesson!


Natapos akong mag-review. Kahit wala ang focus ko sa binabasa ko ay nakayanan ko naman makatapos ng sampung page ng libro. Nang mapagod kakabasa ay napag-pasyahan ko na matulog.


Mahimbing na ang tulog ko nang makaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Hindi ko iyon pinansin ngunit tila may nag-uudyok saakin na bumangon. Nag-palit ako ng pwesto sa higaan pero ganoon pa rin ang pakiramdam ko.


Hindi ko na namalayan na tumayo na pala ako sa kama ko para tignan ang paligid. I feel something wrong..


Tiningnan ko si Belle na mahimbing na natutulog sa may katabi kong kama. Tumayo ako at pumunta sa kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw. Pagkatapos kong uminom ay naglakad ako patungo sa bintana at binuksan ko ito.


Langhap ko ang sariwang hangin galing sa labas at tanaw ko ang mapayapang daan papunta sa eastern side at western side ng academy. Pinakiramdaman ko ang paligid bago ipinag-kibit balikat ang nararamdaman ko kanina.


Pinagmasdan ko pa ang tanawin nang matagal bago nakapagpasya na gusto kong lumabas.  And with my ability, gumawa ako ng slide pababa sa bintana na gawa sa yelo. Tiningnan ko muna si Belle kung nagising s'ya pero hindi naman kaya tumuloy ako sa pag baba.


Yumakap agad sakin ang napaka lamig na hangin ng Academy. Winasak ko ang slide na ginawa ko bago tumingin sa paligid.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now