Chapter 24

1.1K 70 2
                                    


Chapter 24: Blizz Lorhan Duke

Isabelle's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa tunog na aking narinig. Bumangon ako sa aking kinahihigaan at nakitang naka-upo si Blizz sa silyang nasa tabi ng higaan ni Cassandra.


Napabangon ako agad at nag-kusot ng mata. Hindi ko s'ya pinapansin kahit alam ko na nakatingin s'ya sa direksyon ko. Patuloy ko lang inayos ang aking mga gamit.


Pumasok ako sa banyo para maligo. Sana ay wala na s'ya doon pagka-labas ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko s'ya kausap kaya sana ay s'ya na ang lumayo.


Sinadya kong tagalan ang pag-ligo sa banyo. Doon na rin ako nag-bihis at nag-ayos ng sarili. Lumabas ako ng banyo at nakita na nandoon parin s'ya.


Sinalubong n'ya ako ng tingin. Nang hindi na makayanan ay ako na ang kusang umiwas. Naglakad ako papunta sa mga gamit ko sa sofa.


"Bakit nandito ka pa?" malamig kong sabi.


Nahalata ko ang pagka-gulat n'ya sa sinabi ko. Hindi ko s'ya tinignan ng diretso pero kita ko sa gilid ng aking mga mata na bigla s'yang nabalisa.


Wag n'yang sabihin na binisita n'ya si Cassandra. Mag-iisang oras na ang lumipas at waa naman s'yang ginawa. Kung dinaanan n'ya lamang ay kanina pa dapat s'ya umalis gayong alam n'yang ayaw ko s'yang makita.


"Pwede na ba tayong mag-usap, Belle?" mahinahon n'yang tanong.


Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago humarap sakaniya. Tinignan ko muna si Cassandra na maayos na naka-higa at tulog pa rin.


"Ayaw kitang kausapin" sabi ko.


Nag-lakad na ako papunta sa pinto at lumabas. Naramdaman ko naman na nakasunod s'ya saakin pero hindi ko iyon pinansin. Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa may makasalubong akong Healer.


"Hi! Can you please check Miss Soulford room? Pakisabi na rin kay Miss Danesy." nakangiti kong sabi sa Healer.


Si Miss Danesy ang healer ni Cassandra kaya ayun ang sinabi ko. Tinignan naman ako ng healer at ngumiti. "Okay po, Miss Lancaster"


Tumango ako bago nag-patuloy sa paglalakad. Naka labas na ako ng clinic at ramdam ko parin ang pag-sunod saakin ni Blizz.


"Belle, saglit lang!"


Nagulat ako nang bigla n'ya akong hilahin sa may gilid ng main building. Agad kong binawi ang braso ko pero hindi n'ya iyon binitawan. Inilabas ko ang wand ko pero mabilis n'ya iyong natapik dahilan para mahulog iyon sa lupa.


Sinamaan ko s'ya ng tingin na sinuklian n'ya lamang ng malamig na titig.


"Bakit ba, Blizz? Hindi mo ba naiintindihan? Ayaw kita maka-usap." madiin kong sabi bago nag-iwas ng tingin.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu