Chapter 12

1.4K 87 35
                                    


Chapter 12 : Sky Battle

Cassandra's POV.

Huminto ako sa tapat ng room. Hingal na hingal kaming lima dahil sa pagtakbo namin. Napahawak ako sa gilid ng pinto dahil sa hingal.


Tumingin ako sa loob ng kwarto at nasalubong ko ang nagtatakang tingin ng mga kaklase ko.


Late kami ng 1 hour!


"Good afternoon Miss Carmela. Sorry we're late" si Jennifer habang nakababa ang tingin.


Napahinto si Miss Carmela sa pag lecture at pinagmasdang kaming apat. Gosh! Parang mapaparusahan pa kami.


"You may come in but for your punishment for being late, kayo ang unang sasalang sa Sky Battle for PE" si Miss Carmela.


Nababa ko ang tingin ko nang makasalubong ko ang tingin ni Miss.


"Okay, Miss Carmela" sabi ni Belle.


Tumango naman si Miss Carmela saamin. Sabay-sabay kaming pumasok at umupo sa mga vacant seats sa tabi ni Mikaela na sinalubong kami ng tanong pagkaupo.


"Saan ba kayo galing? Mabuti at hindi pa kami pumunta sa field. Absent sana kayo sa PE natin." si Mikaela.


Nagkatinginan naman kaming apat dahil sa tanong n'ya.


Kung alam mo lang ang nangyari.


"I'll tell you everything later. I'm Sorry Mika." sabi ni Belle.


Ibinaling ko na ang atensyon ko kay Miss Carmela na nagsasalita sa harap. Nakakahiya na sa unang klase ko sakaniya ay late ako at mapaparuhasan.


"Today, sasalang ulit kayo sa Sky Battle for PE class. Next week magsisimula ang lesson natin." Anunsyo ni Miss Carmela.


Sky Battle? Wala namang nabanggit saakin sila Belle na magkakaroon ng Battle. Hindi ako handa. Wala pa akong alam sa kakayahan ko.


Nagsitayuan na kami at naghanda ng gamit para sa pagpunta sa field. Nakakunot ang noo ko habang nag-aayos at iniisip ang pwedeng mangyari sa Sky Battle.


Mukang nabasa naman nila Belle ang iniisip ko dahil bumaling sila saakin.


"Oh! I forgot to tell you about this. Sorry, Cassandra. Don't worry. I'll explain it to you while we're walking" si Belle.


Tumango na ako at nakisabay sa lakad nila. Napansin ko na ang daan na tinatahak namin ay papunta sa rooftop.


Habang naglalakad papuntang rooftop ay ineexplain na ni Belle saakin kung ano ba ang Sky Battle.


Nakakamangha ang Sky Battle but at the same time ay kumplekado at alam kong mahirap. Habang pinapaliwanag n'ya saakin ay unti-unting namumuo ang takot at kaba sa dibdib ko. Nanlalamig ang kamay ko habang mahigpit ang hawak sa PE pants.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now