Chapter 34

1K 68 9
                                    


Chapter 34: Unexpected

Cassandra's POV

Lahat ay patuloy na nagkakasiyahan dito sa center. Kaliwa't-kanan ang pag-uusap at batian. Nakakagaan ng loob na makita ang masasayang studyante.


Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganito sa buhay ko. Hindi ko mapangalanan ang aking nararamdaman dahil sa halo-halong emosyon na hindi ko gustong matapos agad.


Nakaupo pa rin kami sa upuan habang nagpaalam naman si Liro na aalis dahil may tumawag sakaniya na kaibigan. Si Mikaela naman ay masaya na sumasayaw sa gitna kasama ang partners nila.


Kita ko pa ang ngiti ni Belle habang sayaw si Blizz. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tapang na Belle ngayon. She's not afraid to show her feelings.


I can now tell that their love will last and nothing and no one will break them apart again.


Tinignan ko ang taong natitira sa table namin. Sila Jennifer at Kate pati ang partners nila. Ako at si Jake...


Hindi ako masyadong gumagalaw dahil pakiramdam ko ay sinisilip n'ya ako sa gilid ng mata n'ya.


"Hey. I'm sorry about that, Ms. Soulford" si Liro na kakabalik lang.


Ngumiti naman ako sakaniya. "It's okay."


Tumingin s'ya sa sumasayaw sa gitna bago saakin, "Do you want to dance? Let's dance..." sabi n'ya.


Tinignan ko ang paligid. Nasulyapan ko din ang tingin ni Jake na tutok sa direksyon namin. Napalunok ako bago nakangiting tinanggap ang kamay ni Liro para sumayaw sa gitna.


Nahihiya ako sa totoo lang. Pero nahihiya ako tumanggi sa alok ni Liro dahil inaasahan ko naman na ito. Ngunit hindi ko pa rin maisip na isasayaw ako sa gitna ng isang lalaki..


Tumingin ako sa table namin habang nag-lalakad.


Wait, kanina ko pa napapansin. Wala si Fiona? Kanina pa s'ya dapat nandito 'diba? Nagsisimula na ang ball. Late lang kaya s'ya? Bakit mukhang hindi naman s'ya hinahanap ni Jake?


I thought...sila ang partner.


Pumunta kami sa gitna ni Liro dahilan para makuha namin ang atensyon ng nasa paligid. Nakita ko pa ang ngiti ni Ms. Clever at ang halakhak ni Ms. Petergreen at Mr. Malfori.


Nagsimula kami sa banayad na sayaw ni Liro. Hindi ko pa alam kung saan hahawak kanina pero dahil si Liro na ang nag-lagay ng kamay ko sa leeg n'ya ay doon ko na iyon pinirmi.


Hindi naman mapakali ang mata ko dahil sa hindi maintindihang pakiramdam.


"Are you okay, Cassandra?" Liro suddenly asked. Maybe he noticed my nervous moves.


I nooded before letting out a small smile. "Yeah. I'm fine. I'm just not used to this. Most of the students were looking at us"

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now