Chapter 16

1.4K 82 1
                                    


Chapter 16: Big Four.

Cassandra's POV

Nabalot ng tawa ang buong Center dahil sa mga dumating. Sabay-sabay naman kaming bumati para sa kararating lang na bisita.


"Oh! Good afternoon, Miss Clever!" bati nung isa sa mga dumating na may blue na buhok.


"Surprise!!" bati ng isa pang lalaki.


Halata naman ang inis sa mukha ni Miss Samantha dahil dito sa dalawang bagong dating. Sa pag kakarinig ko ay Big Four ang dumating......bakit dalawa lang sila?


Nag usap-usap muna sila bago umupo ang dalawang lalaking iyon sa harapan, katabi ni Mr. Larry na ngayon ay wala na pala. Hindi ko namalayan na umalis na pala ang Former President.


"Ok, students! Witch Family, Wizard Family and Sorcerer Family may now leave the Center!" anunsyo ni Miss Clever.


Agad namang nanghinayang ang mga students na hindi nasagot ang mga tanong nila tungkol saakin pero walang magawa dahil iyon ang utos ng Principal.


Tumayo na ako at pumunta kay Miss Clever para makapag paalam. Gustuhin ko mang pakinggan sila ngunit hindi ko din magawa. Baka may importante silang ginagawa o pag uusapan nitong mga lalaking ito.


Yung lalaking na kulay blue ang buhok ay mukhang nasa mids 40 palang s'ya, same sa isa pang lalaki na kasama n'ya.


Sila 'yung Big Four?


Tumingin ako sa taong lumapit sa gilid ko at nakitang si Jake iyon habang nakatitig sa may kulay blue na buhok na lalaki. Bumalik ang cold n'yang tingin.


Tumingin si Miss Clever saakin pagkatapos n'yang makipag usap doon sa dalawa.


Mukhang close ang mga ito ayon sa paraan ng kanilang pag-uusap.


"Muntik ko ng makalimutan. Go to my office later at three o'clock. I have meetings to attend, Miss Soulford" paliwanag ni Miss Clever saakin pero habang kausap ko s'ya ay hindi ko maiwasan na punahin ang titig ng dalawang lalaking kadadating lang. 


Nakatigin din sila sa direksyon ko at tila sinusuri ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at bumaling kay Miss Clever.


"O-ok, Miss. I understand." sagot ko.


Humarap ako sa kanilang lahat at nahihiyang yumuko. "Mauna na po muna ako" sabi ko sabay talikod na sakanila.


Habang naglalakad ako palayo ay narinig kong nag salita ang isa sa mga lalaki. Hindi ko lang alam kung sino sa kanilang dalawa pero base sa lalim ng kanilang boses ay tiyak akong isa sa kanila iyon.


"S-sya ba?"


Hindi ko na narinig ang sagot ni Miss Clever sa sinabi nang lalaki dahil nakalayo na ako sa kanila.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin