Chapter 18

1.4K 87 1
                                    


Chapter 18: Uwak.

Cassandra's POV

Nagising ako ng alas kuatro. Humikab at nag-unat ako bago naisipan na tuluyang tumayo. Hindi naman ako excited dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako.


Ito ang unang araw ko sa Special subject ni Miss Clever at kahit hindi ko pa alam kung anong mayroon sa Hideout na iyon ay alam kong may panibago akong dapat pagtuunan ng pansin.


Kailangan kong seryosohin ang kung ano man ang maghihintay saakin sa Hideout na iyon. Sana lamang talaga ay hindi ganon kahirap ang gagawin kong pagsasanay.


Tumayo ako sa higaan ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain. Binuksan ko ang ref. at kinuha ang tirang pagkain namin ni Belle at nilagay sa isang parang cabinet. Walang microwave dito pero sabi ni Belle ay may ibang gamit naman na katulad no'n.


Pagkabukas ko ng cabinet ay mainit na ang pagkain. Mangha akong hinawakan iyon na agad kong pinagsisihan. Naglabas ako ng yelo saaking kamay para lumamig ang kamay ko na agad nangyari.


"Wrong move, Cass" sabi ko sa sarili bago pumunta sa table.


Umupo ako sa upuan at sinimulan kumain. Mag-isa lamang ako dito at alam kong medyo madilim pa sa labas dahil anong oras palang.


Nagpatuloy ako sa pagkain nang mapansin ang isang papel na nakatupi at napapatungan ng isang vase. Sa palagay ko ay si Belle ang naglagay no'n doon. Agad akong tumayo at pumunta doon at nakita kung ano iyon.


Inangat ko ang vase at kinuha ang papel gamit ang kaliwang kamay. Lumakad ako para bumalik sa upuan ko at tignan iyon.


Nangunot ang noo ko nang maalala kung ano ang bagay na iyon.


Isang dyaryo!


May newspaper din pala dito?


Binuklat ko ito at nakita ang iba't-ibang balita sa buong Academy. Huh? Sa Academy lang tungkol ang dyaryong ito. Akala ko ay pati ang balita sa buong magic world. Mukhang dito lang medyo may gamit, Huh?


Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa mahinto ako sa isang balita tungkol sa pagpatay. Maraming namatay sa loob at labas ng Academy. Ang pinagtataka ko pa ay kung bakit isinisiwalat pa ito. Hindi ba 'to magdudulot ng takot sa mga studyante?


Pero bakit kaya maraming namamatay? Isa ba ito sa dahilan kung bakit bawal ng lumabas kapag sapit ng gabi? Konektado ba ito sa mga rules ni Miss Samantha?


O kaya naman ay sinasadya nilang ipaalam sa students ang balita na ito? Walang pagkakakilanlan ang mga namatay ayon dito. Walang sinabi kung anong Family or kung ano man. Ang nakalagay lang ay namatay ito dahil sa tama sa ulo ng kung ano.


Napapikit ako ng makita ang picture ng nakatalikod at nakahandusay na katawan. Parang nilatigo ang katawan n'ya at mukhang nakipag laban bago namatay.


Dahil sa nakita ko ay naiurong ko palayo saakin ang pagkain na dapat kong kakainin. Nawalan na ako ng gana.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن