EPILOUGE I

1K 55 5
                                    


Chapter 49: Memories

Cassandra's POV

Nakatulog ako sa bisig ni Jake habang umiiyak. Sobrang lungkot ko sa mmga nangyari na kahit ngayon ay hindi ko matanggao ang nangyari.


Wala na s'ya...


Hindi ko matanggap at mas lalo kong gustong umiyak nang maalala na walang Helena sa panaginip ko ngayon. Hindi na talaga s'ya nagpakita. Totoong umalis na s'ya.


Marami akong nakita sa panaginip ko na hindi ko inaakalang makikita ko. Kaya kahit paano ay naibsan ang lungkot ko kahit kaunti.


Tumayo ako galing kama at nag handa. Naligo ako at nagbihis bago pumunta sa labas. Nakita ko ang mga member ng IAO na naghahanda sa kung ano, kaya naglakas ako papunta sa kwarto na pinagkainan namin kahapon pero ang nadatnan ko lamang doon ay si Belle.


"Nasaan sila Liro?" Tanong ko kay Belle na kumakain.


Tinignan n'ya naman ako at inalok pero tinangihan ko dahil hindi pa ako gutom. Wala akong ganang kumain dahil sa nangyari.


"Nasa labas sila kasama si Mrs. Jackson. Maglalahay sila ng defense para kahit medyo lumabas tayo ay hindi nila tayo ma se-sense maliban nalang kung lumagpas sa zone kung hanggang saan lang ang defense"


Siguro ay naghahanda na sila. Kahit naman kasi ayaw namin ay wala kaming magagawa upang pigilan ang dapat mangyari. Kailangan naming bawiin ang Academy dahil hindi dapa sila ang namumuno doon.


Kung hindi kami ang susugod ay paniguradong hahanap sila ng paraan para mahanap kami at patayin isa-isa at iyon ang ayaw naming mangyari.


"The antidote is done" biglang sabi ni Belle sa kalagitnaan ng pagkain n'ya.


"Good. We just have to plan things right." sabi ko.


Tumango-tango naman si Belle sa sinabi ko. Ilang minuto kaming tahimik pero nakikita ko ang paninitig ni Belle saakin.


"Are you okay?"


Tinignan ko s'ya at bakas ang pag-aalala sa mukha n'ya. Tila may napansin s'ya saaking kakaiba.


"Y-yes" I said, avoiding her eyes.


"Liar! Ofcourse you're not"


Pinanood ko s'yang tumayo at pumunta sa may isang table kung saan nakalagay ang mga pagkain. Kumuha s'ya ng plato at nagsalin ng pagkain doon bago ibinigay saakin.


"Eat" mataray n'yang sabi kaya hindi na ako naka angal pa.


Sinimulan kong kumain habang bumalik din s'ya sa pagkain ng kaniya. Iniisip ko ang mga ginagawa saakin ngayon ni Belle.


Alam n'ya kaya na umiyak ako?


Sinisilip ko s'ya pero wala akong mabasa sa mukha n'ya ngayon.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon