Chapter 5

2.1K 128 24
                                    


Chapter 5 : Welcome to Magic world.

Cassandra's POV

Nadatnan ko nalang ng aking sarili sa loob ng aking kwarto dito sa ampunan kasama si detective conan.


"Ano na? tutunganga ka lang ba jan, detective conan? Simulan mo nang magpaliwanag kung hindi, hindi kana makakalabas ng kwartong 'to." may pagbabanta kong sabi sa kanya.


Sa totoo lang ay natatakot ako pero hindi ko pinapahalata sa kanya. Ang creepy nya kasi! kanina pa s'ya nakatitig saakin simula nung pumasok kami dito sa kwarto. Tapos may dala pa s'yang nakakakilabot pero medyo cute na ngiti! Ah basta!


Binigyan n'ya lang ako ng isang ngisi na nagpatayo ng aking balahibo.


"I'm Peter Lim, your Guardian and my duty is to protect you and hmm.. wag mo akong tawagin na detective conan o kung sino man 'yung sinasabi mo because I'm not a detective! diba ang detective is yung parang lalaki na ang Oa kung maka sunod? I think may nakita na akong ganon sa mundong 'to" sabi n'ya at medyo nag isip-isip pa. Nang makita n'ya ang titig ko ay bigla s'yang naglahad ng kamay na agad kong tinarayan.


Natawa s'ya ng bahagya dahil sa aking reaksyon.


"Okay, ikaw na ang magtanong at ako ang sasagot." Desisyon n'yang sabi sabay upo sa kabilang kama kung saan ay higaan dati ni Meigan.


Ngayon ay magkaharap na kami.


"Bakit mo ako sinusundan?" una kong tanong sa kanya.


"Simple lang! dahil binabantayan kita! dahil ako nga ang guardian mo" may ngiti n'yang sabi.


'Yun na ang explaination dun? hindi ata pwede 'yun!


Guardian ko ba talaga toh? O adik lang s'ya at nangtitrip!? Sa mukha n'yang 'yan ay 'di s'ya mukhang Guardian! Teka? Saang Guardian ba s'ya? Guardian sa langit o G-guardian sa baba?


Natahimik ako nang dahil sa aking naisip. Possible ba yun?


Alam ko naman na 'di ako ganon ka bait noh!


"Bakit parang ako lang ang nakakakita sayo?" sunod kong tanong sakanya.


"Dahil hindi ako pwedeng makita ng mga tao." maikling sagot n'ya saakin habang nililibot pa ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko.


Hindi pwedeng makita ng tao? edi ibig sabihin, hindi nga s'ya tao!? Sabi kona nga ba eh! Kung hindi s'ya Guardian Angel ay Engkanto s'ya!!


Napatayo ako at dampot ng suklay at tutok sa kanya. Nabigla naman s'ya sa ginawa ko at napatayo na din. Gulat na tinignan ang hawak ko.


"Hindi ka tao!? Ano ka, maligno? sabihin mo! engkanto kaba o kampon ng kasamaan?" sunod sunod kong tanong sabay kuha ng rosary sa gilid ng kama at tutok din sa kanya.


Tumawa s'ya ng bahagya.


Anong nakakatawa sa tinatanong ko?


"Tama ka, madam! hindi ako tao pero sa tingin mo, makikita mo ba ako kung pangkaraniwang tao ka lang din?" tanong n'ya saakin.


Natigilan ako ng dahil doon.


Ibig sabihin hindi din ako tao!? Ano!? engkanto ako? masamang tao? 'bat hindi ako napaso sa hawak kong rosario? Ano ako!? Patay na ba ako? Multo na ba ako? 'Di ko lang namalayan na namatay ako dahil sa lungkot dahil sa pagkawala ni Meigan!?

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now