Chapter 34: Cancelled

44 2 0
                                    

Chapter 34: Cancelled


Shaine's POV

"We're sorry, you have reached a number that has been disconnected or is no longer in service. If you feel you have reached this recording in error, please check the number and try your call again."

"No way, tsk!"

"Lady Carson nasa airport na po ang mga gamit niyo."

"Thank you Mr. Crane, report this one to Miss Bautista and make sure to call me after you gave it to her, okay?" Iniabot ko kay Mr. Cane ang isang folder para sa mga kailangan ni Tita Vel.

"Yes my lady."

"Okay, I have to go now."

Umalis na din agad ako at tumungo sa airport, dalawang araw na ang nakakalipas magmula ng lisanin ni Dia ang Rallnedia. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin macontact ang number niya, maging ang number ni Shine na kaibigan niya, at hanggang ngayon sinusubukan kong kunin kay Tita Vel ang number ni Doctor Sylvia ngunit abala siya sa mga appointment at meetings niya kaya hindi ako makahanap ng oras para kausapin siya ng ayos tungkol sa nangyari.
Hindi ko alam ang buong detalye sa nangyari noong araw na iyon dahil maging si Mr. Yong at Miss Bautista ay abala sa mga pinagagawa sa kanila ni Tita Vel.

Nakausap ko na rin si Nico tungkol sa bagay na ito ngunit wala siyang sapat na oras para makausap ako in person, gayundin si June na girlfriend ko at si Gene na pinsan ko. Halos lahat sila ay abala at walang ginagawa sa paglisan ni Dia.

Kilala ko si Tita Vel, hindi niya hahayaan na maglaho lang ang lahat ng pinaghirapan niya para mahanap ang Prinsesa. Sa halos 20 years niyang paghahanap never siyang sumuko at never siyang gumawa ng ganitong bagay. May hindi maganda sa sitwasyon noong araw na iyon, alam kong may nasabi si Dia or may nabanggit siya na hindi kaaya aya sa pandinig ni Tita Vel.

Kung gayon, posibleng inungkat ni Dia ang tungkol sa kapatid ni Tita Vel na si Queen Lisa o kaya posibleng tungkol sa trono. Mahirap hanapin ang sagot kapag hindi ko alam ang totoong nangyari, mahirap mabigyan ng solusyon ang bagay na malabo pa sa tinta ng pusit, at mahirap hanapan ng sapat na oras upang kausapin ang isang tao na may hinanakit sa dibdib.

Tita Vel, si Queen Lisa ba ang pinagtalunan niyo ng Prinsesa? Ang trono ba na ayaw mong mapunta sa kamay ng mga Swisly? Hindi ko alam, at paano ko malalaman kung pilit mong iniiwasan ang mga appointment ko sa'yo? Naiinis kong bulong ko sa sarili ko habang tinatahak ang daan patungo sa airport.

.

.

.

"Thank you Krish, magpapahinga muna ako. Goodnight." Pinatay ko na din ang tawag mula sa kabilang linya at humiga sa kama habang hinihilot ang aking sintido.

Buong araw kong hinanap dito sa Gemolis City si Dia, ngunit walang bakas na naiwan mula sa mansion, sa hospital at sa dati nilang tirahan. Wala ding idea si Doctor Sylvia nang makausap ko siya kanina. Ngunit nang marinig ko ang pag-uusap nina Doctor Sylvia at Doctor Luson kanina ay mas dumami ang tanong sa isipan ko.

"Wala siyang nabanggit kung saan niya dadalhin ang Mama niya, ngunit tila may backer siya Doc."

"Backer?"

"Yes Doc, teka ano bang ibang term ng backer? Ahm---

"What do you mean is may taong tumutulong sa kanya?"

"Yes Doc, 'yun nga!"

"Sino naman? Tsaka saan mo nalaman?"

"Ahm narinig ko lang kay Doctor Bo, alam mo naman ang babaeng 'yun mabilis makasagap ng balita kahit tahimik."

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now