Chapter 22: Second Cousin

67 5 0
                                    

Chapter 22: Second Cousin



Dia's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang mga nangyari sa bakasyon namin sa Amanpulo. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga sinabi ni Shaine noong gabing pumunta kami ni Mariel sa clubhouse dahil alas nueve na ng gabi ay hindi pa rin ako bumabalik sa villa.

"Is everything okay?" Hindi ko na nagawa pang masagot ang tanong ni Ma'am Vel dahil sa mga bumabagabag sa isip ko kaya maging itong reviewer ko ay naaapektuhan.

"Tungkol pa rin ba ito sa nangyari sa Amanpulo?" Dahan dahan kong ibinaling ang aking mga mata patungo sa kanyang kinaroroonan habang abala sa pagchecheck ng sales ng Mondragon Company.

"Pasensya na po talaga sa ginawa ko Ma'am Vel, hindi ko na po uulitin."

"Dia---

"Hindi ko na po uulitin, susundin ko na po ang lahat ng sasabihin niyo. Hindi ko po alam kung bakit iniiwasan ko si Shaine pero gagawa po ako ng paraan para bumalik 'yung dati. I'm truly sorry Ma'am Vel." Nakatango kong sambit. Aaminin ko, guilty ako, oo guilty ako sa lahat ng ginawa ko noong gabing iyon at hanggang ngayon hindi ko maisip na ginawa at sinabi ko iyon sa harap ng maraming tao.

"Pwede ba kitang makausap?" Mabilis akong napatunghay ng ulo sa narinig ko, lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Dia, ipapaalala ko lang sayo na hindi na ikaw ang Dia na nakasanayan mo noon. Alam kong nag aadjust ka pa sa biglaan naming pagdating at sinabi sayo na isa kang Prinsesa, pero hindi lang si Shaine ang nag-aalala sayo, or si Nico, maging ako at ang iba pang employee ng Blant Styl lalong lalo na ang Rallnedia na naghihintay sa pagpunta mo."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Hinawakan niya ang kamay ko matapos ko magtanong.

"Isa lang ang gusto kong ipaintindi sayo. Huwag mong baliwalain lahat ng sinasabi ni Shaine, ni Nico maging ni June at ng butler mo."

"Pasensya na po talaga."

"Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo kami para paalalahanan ka, hindi sa lahat ng oras may taong sasang-ayon sa mga gusto mong gawin sa buhay. At hindi lahat ng tao sa mundo ay nabibigyan ng ganitong pangyayari tulad ng sayo."
Nahihiya na akong magsalita pa sa mga sinasabi ni Ma'am Vel, sobra na ang mga ginagawa ko, sinasamantala ko ang pagiging Prinsesa ko kahit hindi ko pa totally tanggap na hindi ako anak ni Mama.

"Royalty ka man o hindi ito ang palagi mong tatandaan Dia, ang pagiging masunurin sa taong mas may alam at mas may karanasan ay isang advantage na makakatulong sayo in the future. Pero hindi lahat ng may alam at may karanasan ay tama, pansin mo bang halos lahat ng nakapaligid sayo ay pinili ko ng masinsinan, hindi sila bastang tao lang or basta bastang royalty lang. Lahat sila dumaan sa Rallnedia protocol para sayo."

Tahimik lang akong nakikinig kay Ma'am Vel, napansin ko pa na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Manang mana ka talaga sa Mama mo. Ganyang ganyan ang hitsura niya kapag napagsasabihan ng Papa namin." Niyakap ko na siya ng marinig iyon, hindi ko mapigilan ang sarili ko ng marinig ang salitang "Mama" na nagmula sa bibig ni Ma'am Vel.

"Mas madaming mata ang titingin sayo once na makapunta tayo sa Rallnedia."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ma'am Vel sa halip ay nakayakap lang sa kanya.


.

.

.

Ano nga ba ang nangyari noong gabing iyon?

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now