Chapter 14: Bitter Ice Cream

94 7 2
                                    

Chapter 14: Bitter Ice Cream

Dia's POV

Kakatapos ko lang gumamit ng banyo ng mapansin si Shaine at June este Kirssen na nag uusap sa living area ng bahay ni Brenda. Habang si Nico na demonyo naman, nakikipaghuntahan sa ibang bisita ni Brenda.

"Dia wala ka bang napapansin?" Napatingin ako kay Brando as in Brenda ng lumapit siya sa akin, may hawak pa siyang baso na may lamang rum.

"Saan?"

"Kasi kanina pa nag uusap 'yang dalawa, hindi tuloy makasingit ang mga bwesita ko kay Shaine." Napailing na lang ako sa sinabi ni Brenda.

"Hay naku hayaan mo na 'yang dalawa, tsaka aalis na din kami maya maya."

"Ha? Agad agad? Ano 'yun nakikain ka lang dito sa amin? Eat and run ang peg?"

"Pasensya na Brando este Brenda, pero maaga pa ang lesson ko bukas."

"Ako ang bahala, kakausapin ko si Sir Nico."

"Baka nga makinig sayo ang lalaking 'yon?" Pabulong kong sambit.

"Anong sabi mo?"

"Ah wala, sabi ko aalis na ako."

"Dia naman."

"Oo na, 10 minutes."

"No, stay for half hour. Tsaka mag oopen pa ako ng gift mamaya." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Brando este Brenda, hays nalilito akong banggitin ang pangalang Brenda sa maskuladong katawan ng baklang katabi ko. Brenda pero sobrang banàt na banàt ng biceps at triceps.

.

.

.

Kakauwi ko lang galing sa birthday party ni Brenda, kakababa ko lang sa sasakyan ng mapansin ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto habang kausap si Umi.

"Good evening your highness." Bati sa akin ng guard matapos akong pagbuksan ng gate.

"Good evening din po." Dumiretso lang ako sa paglalakad papasok sa bahay, pansin kong napatingin pa sa akin ang lalaking kausap ni Umi.

"Good evening your highness, handa na po ang dinner niyo."

"I already ate my dinner Umi, sorry I didn't inform you about that."

"It's pretty fine your highness." Nilampasan ko si Umi maging ang kausap niya, paakyat na ako patungo sa kuwarto ko ng mapansin ang isang maleta na nasa gilid.

"Y-your highness, Mrs. Mondragon appointed Mr. Yong as your butler starting tomorrow."

"Umi, kailangan ko na po magpapahinga." Hindi ko nilingon si Umi maging ang kausap niya, sa halip ay umakyat patungo sa kuwarto ko.

Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Kailan pa siya bumalik? Ano ang ginagawa niya dito? At bakit siya ang inatasan ni Ma'am Vel bilang butler ko? Iyan din ang apat na tanong ko kagabi sa sarili ko matapos bumisita ni Mr. Yong dito sa mansion.

Halos dekada na ang lumipas noong huli kong nakita si Mr. Yong. Dekada na rin ang hinintay namin ni Shine sa pagbabalik niya ngunit bakit ngayon lang? At bakit ngayon pa?

.

.

.

Simula Monday hanggang Wednesday ay paulit ulit lang itinuturo sa akin ni Kirssen ang proper etiquette bilang isang royal, nakamonitor si Shaine at Ma'am Vel habang si Nico naman ang nagpopolish ng mga mali ko at the end of the day.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now