Chapter 44: The Investigation

55 0 0
                                    

Chapter 44: The Investigation

Shaine's POV

"I'm sorry June."

"It's alright babe. Just message me after your appointment with her."

"Sure babe. Sige bye, love you."

"Love you too babe." Ibinaba ko rin agad ang tawag matapos makausap si June. 

Mag-iisang linggo na ang nakakalipas matapos ang sunod sunod na appointment ng bagong Prinsesa, kung ako stress sa mga upcoming event mas lalo siya na hindi lang ang kompanya, charity, organization at military  ang inaasikaso maging ang mga financial issue dito sa Rallnedia, kasama na ang pagbisita sa ipa bang bansa na katabi lamang ng Rallnedia. Mabuti na lang hawak ko ang media kaya limitado ang mga issue na lumalabas sa balita nitong mga nakaraang araw.



"It's been a week since the only child of late King Louise and Queen Elisse crowned as Grand Princess. In the last seven days she already shown of her sworn statement in front of head priest and to many people that night, she already visited the 25 out of 370 charities for such a short period of time, even the school who are still asking for her presence." Napatingin ako sa malaking screen sa labas ng sasakyan nang mapatigil kami sa gitna ng mabigat na trapiko.

Nakaflash sa screen ang mga picture ni Princess Dia kung saan binisita niya ang mga charities na nasa schedule niya. Napansin ko ang maraming tao na nanonood sa screen na iyon habang naghihintay ng masasakyan, may iba rin namang nakaupo sa mga bench sa tabi ng daan.

"One of the hottest topics today about the Princess, is visiting the military base of Rallnedia which is one of her duty as Commander in Chief that bestowed by the monarch."

Well done Princess. Nakangiti kong bulong sa aking isipan sa mga oras na iyon. Ngunit nabura rin agad iyon ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Nico para sa darating na accession. 

"Milady, Her Highness is on the line." Napalingon ako kay Mr. Crane habang hawak ang cellphone niya. Kinuha ko rin naman agad sa kanya ang cellphone upang makausap ang Prinsesa.

"Yes Your Highness."

.

.

.

"Her Highness is on her way, she also suggest to start this urgent meeting without her."

Seryoso akong napatingin sa anim na nandito sa loob ng room. 

"To start with, I already gathered information about the author of the article I investigated a week ago. I still have no clue who is the culprit but I received a personal message from the agency. Take a look." Biglang pinindot ni Tita Vel ang button sa mesa, agad namang nagflash doon ang video ng isang tao na nakahood, hindi ko masasabi kung lalaki o babae ba iyon dahil sa hood na suot nito.

"Wala pa rin akong clue kung babae ba o lalaki ang suspect." Dagdag na sambit ni Tita Vel.

"But we do have other evidence about this culprit." Napalingon ako kay Nico ng ilabas niya ang mga papel.

Sino ang culprit? Sino ang taong nagkakalat ng personal information ng Prinsesa? Nakakunot noo kong tanong sa aking isipan. Kung babasahin ng masinsinan ang article at ang mga ebidensya ni Nico ay mapapansin na halos may pagkakahalintulad ang procedure ng suspect kung paano niya ideliver ang impormasyon. Nabanggit sa akin ni Nico na posibleng isa sa mga staff ng palasyo ang suspect, ngunit sino? Sino sa mahigit 30 personnel ang suspect? Sino sa kanila ang nagkakalat ng ganitong article?

"Babe I'm so happy that we have this urgent meeting. I really missed you." Nagulat ako ng biglang hawakan ni June ang hita ko sa ilalim ng mesa. Mabuti na lang hindi masyadong narinig ng iba pang tao dito sa loob ang sinabi niya.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now