Chapter 31: Incoming Event

52 2 0
                                    

Chapter 31: Incoming Event

Dia's POV

3 weeks and 2 days na akong nandito sa Rallnedia at never pa akong pinasabak ni Duchess Eve sa mga public meetings at appointment ngunit ngayong araw kailangan kong dumalo sa hearing kung saan makakaharap ko ang mga Duke at Duchess na nagmula pa sa primary city, may lunch meeting din ako kasama sila para sa coronation.

May kaba sa dibdib ko ng pumasok kami ni Duchess Eve sa loob ng bulwagan, pansin ko ang mga tingin ng bawat taong makasalubong namin.

"Your grace ilang oras po ba ang itatagal natin dito?" Tanong ko kay Duchess Eve, alam kong hindi siya sanay na tinatawag ko siya sa ganun ngunit pinaalalahan sa akin ni Mr. Hienz na Duchess pa rin ang Tita ko kaya kailangan kong sundin ang tamang address para sa kanya.


"Why? Do you have any appointment?"

"I'm just kind of not comfortable with this atmosphere." Bulong ko sa kanya ng makaupo sa bandang unahan ng korte.

"It's fine your highness, you'll get to use it." Napabuntong hininga na lang ako sa isinagot ni Duchess Eve.





Nakatingin lang ako sa gitna kung saan abala ang karamihan sa pakikinig sa bawat sinasabi ng isang attorney na nasa gitnang bahagi ng bulwagan. Wala ako masyadong maintindihan sa pinag-uusapan nila kaya naisipan kong irecord na lang sa phone ko na nasa loob ng bag ko.

.

.

.

After 1 and half hour ay natapos din ang hearing, hindi ako masyadong nag focus sa mga pinagsasabi ng dalawang attorney   ngunit ng banggitin ng isa sa mga juris ang tungkol sa magulang ko ay saka ako nagka interest na makinig ng ayos kanina. Mabilis lang ipinaliwanag ng juris na iyon ang status na iniwan ng magulang ko kaya medyo nabitin ako.

Hindi ko kilala kung sino sa mga nakasalamuha ko ang Duke at Duchess kaya wala akong idea kung ano ang hitsura at aura nila.

"Just relax your highness, hindi nangangain ng tao ang nasa loob nitong kuwarto, okay?"

"But---

"Her Royal Highness, Princess Dia of Rallnedia!" Hindi na ako nagulat pa ng sambitin ni Butler Yong ang mga iyon.

Pagkuway ay binuksan ang pinto kung saan ang venue ng lunch meeting with Duke and Duchess.

Bumungad sa akin ang isang mahabang mesa kung saan ang karamihan ay nakaupo na sa kanilang mga upuan. Doon ko lang naramdaman ang kaba sa aking dibdib ng masilayan ko ang bawat isa sa kanila.

"Your grace and your highness, it's nice to meet you." Isang lalaki ang lumapit sa amin kung saan hinalikan niya ang kamay ni Duchess Eve maging ang aking kamay.

"I am Karl Wellow, Duke of Riandorr." Ngumiti ako ng malaman ko ang pangalan ng lalaking iyon. Nawala ang kaba sa dibdib ko dahil ang Duke ng Riandorr ay mas bata sa akin kung titingnan sa hitsura ngunit hindi ako sigurado kung mas bata nga ba siya sa akin o hindi.

"Sorry for keeping everyone's wait, we can start the meeting now." Pagkasabi ni Duchess Eve ay umupo na din kami at sinimulan ang meeting. Katabi ko si Shaine kaya medyo komportable ako at hindi na kinakabahan, habang nasa kaliwa ko naman si Karl na kanina pa abala sa kanyang pagkain habang nagsasalita ang ibang Duke at Duchess.


"Kilala mo na ba ang mga Duke at Duchess ng ibang city?" Bulong sa akin ni Shaine.


"Not yet, I saw some of their pictures online pero mukhang lumang pictures ang naka upload sa internet."


Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now