Chapter 45: Princess of Altenstien

53 0 0
                                    

Chapter 45: Princess of Altenstien




Dia's POV

"I see."

"I'm so sorry Princess."

"It's fine, ngayon alam ko na kung ano ang dahilan ni Duchess Eve." 

Tumayo na ako at kinuha ang librong binabasa ko, sumulyap ako ng ilang segundo kay Nico bago lisan ang kinaroroonan ko. Pansin kong sumunod sa akin sina Hanz at Mhek papasok sa palasyo. Napabuntong hininga akong tinahak ang daan pabalik sa office.

"Thank you." Narinig ko pa rin ang sinabi ni Nico kahit nakalayo na ako sa kinaroroonan niya.

.

.

.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Shaine patungong Villyork kung saan gaganapin ang pangalawang pagkakaroon ng Estate Party kasama ang mga Noble Lady ng iba pang city dito sa Rallnedia.

"Ilang oras ang biyahe natin?"

"Almost one and a half hour Your Highness."

"I see," tugon ko kay Mr. Yong na nasa front seat ng sasakyan. Nilingon ko si Shaine na mahimbing ang tulong sa tabi, nakasandal ang ulo niya sa may bintana ng sasakyan habang nakanganga ng kaunti ang kanyang mga labi. Hindi ko na siya nakausap pa kagabi dahil pagkabalik ko sa opisina ay ipinagpatuloy namin ang pag-aayos ng mga documents para ngayong araw. Tila may hindi sila pagkakaintindihan ni June, ayaw kong makisawsaw sa issue nilang dalawa kaya mas mabuti kung hahayaan ko muna siya.

"Magpahinga po muna kayo habang nasa biyahe."

"I'm fine Mr. Yong, kailangan ko ring basahin ang speech na pinasa sa akin ni Jeyya para mamaya." 

Pagkasambit ay binuksan ko ang tablet na nasa tapat ng kinauupuan ko, mula doon ay mababasa ko ang mahigit dalawang paragraph mula sa email na ipinasa sa akin ni Jeyya.

I don't need to memorize every single words of this file, I just need to understand the situation I am about to deliver.

"I want a cup of frappé."

"200 meters before we reach the Café Morina." 

"Okay, thank you." 

.

.

.

Aria's POV



Matapos ang magdamag na trabaho ay nakauwi na rin ako ng walang kahirap hirap. Agad kong ichinarge ang cellphone ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama, agad kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako.








*BEEP

Nagising ako sa mahinang tunong na iyon na nagmumula sa cellphone ko na nakacharge sa tabi nag kama. Papungay pungay ako bumangon at binuksan ang cellphone ko.

Alas dos na ng hapon pero feeling ko kulang pa ang tatlong oras na itinulog ko ngayong araw. Late na rin kasi ako natapos kanina sa pag-eedit ng mga designs para sa darating na event. 

Napakunot na lang ako ng noo nang mapansin ang halos labing limang voice call mula kay Maxryen.

Monday

"Hey Aria. Bakit hindi mo pa inaupload ang video? Busy ka ba?"

"Kung busy ka pwede mo bang isend kay SJ ang copy, kami na ang mag-aupload."

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now