Chapter 21: Dearest Friend

65 5 0
                                    

Chapter 21:  Dearest Friend




Dia's POV

Matapos naming magscuba diving ni Mariel ay nagpahinga muna kami bago bumalik sa Amanpulo.

Hindi ko talaga akalain na babae si Mariel, paano ba naman matangkad siya, ang gupit pa ng buhok ay panlalaki, mababa ang boses tapos flat chested. Mapagkakamalan talaga siyang lalaki sa postura niya. Pero in fairness maganda ang shape ng katawan niya, kahit flat chested siya ay malaman naman ang butt, ang shape ng collar bone niya tapos ang four abs na banat na banat, wala yata siyang bilbil kahit mga 0.01 inch. Hays kung ano ano na naman ang tumatakbo sa utak ko, hindi naman ako ganito dati ah?

"Hanggang ngayon ba ay hindi ka makapaniwala na babae ako?" Napalingon ako sa kanya ng itanong niya iyon, tanging pagngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

Maya maya pa ay nagsuot na siya ng sando at shorts, naka two piece lang kasi siya, diba ang lakas ng dating samantalang ako nakashorts at sando ng lumusong sa ilalim ng tubig, ang kill joy ko lang.

"Masasanay ka din kapag lagi mo akong kasama haha."

"Thank you nga pala sa pagdala sa akin dito." Nakangiti kong sambit sabay suot ng see through halter.

"Ano ka ba? Ayos lang 'yun, babalik balikan mo ang beach na ito, promise."

Ngayon pa nga lang ayaw ko ng bumalik sa villa at makikita ko na naman si Shaine.

"Kung hindi mo ako niyaya dito for sure nakatambay lang ako sa tabing dagat o kaya sa terrace ng villa."

"Teka wala ka bang kasama? What I mean is 'yung kasama mong pumunta dito?"

"Meron naman, bakit?"

"Bakit ayaw mong maghang out kasama sila?"

"Ang sabi kasi sa akin ni Ma'am Vel ay mag enjoy ako, pero hindi niya ako masasamahan ngayon."

"E yung dalawang babae na nagcheck in kagabi?"

"Naku mas gusto ko pang sayo sumama kaysa sa dalawang iyon."

"Haha, bakit naman?" Napahinto ako nang magtanong na naman si Mariel, hindi ko alam kung bakit iniiwasan ko si Shaine kaya hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

"Kapatid mo ba sila? Or kaibigan? Or Tita?"

Ha? Tita? Si Shaine tita ko? Nagpapatawa ba itong babaeng ito?

"Tita? Naku hindi, 'yung babaeng 'yun magiging Tita ko? Hahaha." Natatawa kong sambit habang nakangiti naman ang mga mata ko.

"E ano mo siya? Teka ilang taon ka na ba?"

"24, ikaw?" Mabilis ko sagot sa pangalawa niyang tanong sabay balik naman ng tanong sa kanya.

"23, so ate pala kita? Hahaha."

"Ate ka diyan e mas matangkad ka sa akin."

"Mas maganda ka naman." Namula bigla ang mukha ko sa sinabi niya.

Sanay na akong sinasabihan ng maganda ni Brando este Brenda, maging si Shaine at sina Ma'am Vel. Hindi sa pagmamayabang pero nagmana yata ako kay Mama Alondra na maganda haha, pero bakit namula ako ng sabihin iyon ni Mariel, noong sinabi din ni Nico ang salitang 'yun parehong pareho ang naramdaman ko, lalo na ang walang hiya kong ex na hindi na dapat sinasama pa sa usapan.

"Ayos ka lang ba?"

"Ah oo, may naalala lang ako."

"Ganun? Okay haha, Manong Herbert balik na po tayo sa Amanpulo."


Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now