Chapter 10: Nightmare

124 8 0
                                    

Chapter 10: Nightmare

.

.

.

Shine’s POV

“What?!” Nagulat ako sa malakas na sigaw ng superior ko matapos kong sabihin ang pagleave ko sa loob ng tatlong araw.

“Pero gagawin ko pa rin naman po ang mga documents na naiwan ko, kailangan lang po talaga ako ni Nanay sa hospital.” Nakatango kong sambit habang pinapakalma ang sarili sa mga sandaling iyon. Maaga akong umalis sa hospital para makapagpaalam ng maaga ngunit mukhang ayaw akong pagbigyan ng walang hiyang superior na ito.

“Napagbigyan na kita na bumisita sa hospital noong mga nakaraang araw, sorry pero mas kailangan ka ngayon lalo na at nalalapit na ang fashion show ng Mondragon Company.”

“Pero ma’am...

“Still no, bumalik ka na sa trabaho mo.” Tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng opisina niya, nakatayo lang akong nakatango sa mga sandaling iyon.

Bakit ba ang sama sama ng ugali ng babaeng ito?! Nangigigil kong tanong sa sarili ko habang nakatayo pa rin at nakatikom ang aking palad.

Maya maya pa ay napagdesisyunan ko na lang na lumabas sa office niya at tumungo sa table ko upang ituloy ang mga naiwan kong gawain.

Mabuti na lang pants ang sinuot ko papunta dito dahil for sure maniningkit na naman ang mata ng walang hiyang Karen na iyon, walang kwenta! Padabog kong inilapag sa table ang dala kong bag at folder, mabuti na lang at abala ang lahat kaya hindi nila napansin.

“Shine ready na ba ang list ng name ng mga model?” Tanong sa akin ng katabi ko na nakaharap sa kanyang monitor, tumango lang ako at iniabot sa kanya ang papel na ginawa ko kagabi habang nasa hospital.

“Maine sino nga pala yung lalaki na kumuha ng documents ko?” Tanong ko sa kanya ng maalala ko ang lalaking nagdala ng mga documents na kailangan kong kunin kahapon after makapagbisita kay Tita Alondra. Lumingon siya sa akin at napahawak sa kanyang pisngi na tila kinikilig.

“Ah oo, yung pogi?” Tanong niya sa akin habang nakangiti.

“Sino ba ‘yun?”

“Yun nga din ang itatanong ko sana sayo, teka don’t tell me hindi mo siya kilala?” Napasalubong ang kilay ko sa sunod niyang sinabi.

“Sa pogi niyang yun, teka secret admirer mo ba yun? Yie si Shine pumapag ibig.” Napakunot na ang noo ko sa sunod niyang sinabi, tumayo ako at naglakad patungo sa kitchen, napabuntong hininga na lang ako habang nagtitimpla ng kape, tiningnan ko si Maine na nakangiti pa rin sa mga sandaling iyon, maya maya pa ay bumalik na ako sa table ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Shine may nagpapabigay sayo.” Napansin ko si Jim na may dalang paper bag, iniabot niya sa akin iyon nang nakangiti, bigla namang lumapit sa akin si Maine at tiningnan ang hawak kong paper bag, may maliit na papel na nakalagay doon kaya binasa ko muna bago buksan ang paper bag.

Ako muna ang magbabantay sa kanya habang nasa trabaho ka.
Iyon lang ang nakasulat sa papel na kulay mint green.

“Kanino galing?” Tanong sa akin ni Maine, pero ipinakita ko lang ang papel na hawak ko na walang pangalan na nakalagay kahit isa.

“Siya siguro yan? Haha sige tatapusin ko na ang mga documents baka mabinggahan pa tayo ni bruhang Karen.” Natawa lang ako sa sinabi ni Maine.

Tama siya bruha si Karen panira sa buhay namin dito sa office, pasalamat siya next week pa ang balik ni boss. Napabuntong hininga na lang ako ng sambitin iyon ng isip ko.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now