Chapter 52: How many cousin do I have?

34 0 0
                                    

Chapter 52: How many cousin do I have?

Dia's POV

"Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Duchess Eve?" 

"Alam kong may ginawang hindi maganda sa'yo si Tita Vel, pero sana naman huwag mo siyang layuan. Isa siya sa pamilya mo, isa rin siya sa handang sumaklolo sa'yo anumang oras. Hindi ko naman sinabi na kalimutan mo lahat ang ginawa niyang pagtatago sa'yo tungkol sa kalagayan ni Tita Alondra."

"Hindi 'yun ang tinutukoy ko." Napakunot ang kilay ni Shaine sa sinabi ko, ibinaba muna niya ang hawak na tasa bago muling ibalik ang atensyon sa pinag-uusapan namin.

"Wala rin akong sinabi na gusto kong layuan si Duchess Eve. Narinig mo naman siguro kung ano ang mga sinabi niya sa akin noong isang diba?"

Alam kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang ginawa niya na halos isang buwan na ang nakakalipas. Nakikita ko naman ang pagbabago sa mga actions niya nitong mga nakaraang araw, maging ang duties niya dito sa Riandorr at sa Stania. Maliban sa relasyon nila ni Gene, pansin ko kasing hindi sila nagkakasundo sa maliit na bagay sa tuwing kasama ko silang dalawa. Hindi ko naman matanong si Gene kung anong meron dahil after ng meeting ay umaalis na rin agad siya pabalik sa Stania upang asikasuhin ang project niya na katatapos lang mailabas sa public customers.

"About ba sa case ng article? Yes, nasa likod lang ako ng garden noong makausap ka ni Tita Vel. Pero hindi ka ba nagtataka sa mga kilos niya habang kasama natin si June kahapon sa ceremony?"

Isa pa ang bagay na iyon, ewan ko ba pero parang may galit si Ma'am Vel kay June ngunit hindi ko alam kung ano maging si Shaine.

"Stress lang siguro si Tita Vel, lalo na sa darating na Linggo para sa accession mo." Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang sinabi ni Shaine.

Mabuti na pinaalala niya ang tungkol sa accession, halos nakalimutan ko na kasi ang bagay na iyon dahil sa sunod sunod na trabaho ko sa magkakaibang lugar. Hindi na rin ako makapag stay ng isang sa palasyo nitong nakaraang linggo matapos kong makabalik galing sa Altenstien.

I am still confused about what King Seju said back then, maging sa mga ikinikilos ng Prinsesa matapos niyang pumayag sa offer kong business about sa style at designs ng mga gown at dress na ipinakita ko sa kanya noong araw na iyon.

*DING

"By the way Dia nacheck mo na ba ang email sa'yo ni Gene?"

"Huh?"

"Nagmessage kasi si Gene sa akin, noong isang araw pa daw niya ipinasa iyon pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nagrereply." Bigla ko ring naalala na hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag open ng email, si Jeyya at Shaine ang may hawak ng account ko ngunit kapag personal matter ay hindi nila binubuksan ang email na natatanggap ko.

Maya maya pa ay kinuha ko mula sa bag na dala ko ang cellphone na iniwan ni Jeyya, abala kasi siya ngayon kasama si June sa pag-aasikaso para sa nalalapit na event ng Blant Styl. Hindi pa ako nakakapagpahinga ng ayos pero magkasunod na event agad ang kakaharapin ko ngayon linggo, pero kahit pagod ay nasa tama naman ang pagkain ko kaya kahit masakit ang katawan ko ay nasa maayos naman na kalagayan ang kalusugan ko. 

Sa susunod na araw ay bibisita si Mr. Hienz para sa two days training ko sa nalalapit na accession. Kung noong coronation bilang Grand Princess ay halos nasa 50 ang tao sa loob ng event hall, ngayon ay public at sa harap ng libo libong tao gaganapin ang accession kung saan kokoronahan ako bilang Reyna.

Hindi pa naipapaliwanag ng ayos sa akin ng Royal Council ang tungkol sa trono na matatanggap ko sa magaganap na accession, halos abala rin kasi ako kaya wala silang mapiling araw upang ipaliwang at linawin ang mga mangyayari. 

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now