Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown

65 2 0
                                    

Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown

Shaine's POV

"Alam ko kasing hindi ka papayag once na sabihin ko sayo ang tungkol dito."

"Diba nangako po kayo na hindi na ako magiging involve sa kung anong kailangan ni Dia?" Ibinaba ni Tita Vel ang hawak niyang tasa sabay tapon ng kanyang mga mata sa kinauupuan ko.

"Yes I promised you, but you also promised that you would not let your cousin fall into the hands of anyone."

"What?" Nagtataka kong tanong, parang ang layo kasi ng dahilan niya sa tanong ko.

"Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa Pilipinas? After that incident mas hinigpitan ang security sa kanya, hindi pwedeng isang tao lang ang kasama ni Dia lalo na ngayon. Don't worry si Miss Bautista pa rin ang secretary ni Dia, mag-aassist ka lamang."

"Pero Tita---

"By the way, it's not my decision." Nagulat ako sa sinabi niya.

So kanino pala? Kay Nico? Kay June? Imposible namang si Dia, dahil alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin ang babaeng iyon.

"Just ask her, nasa library siya kasama si Maliya at Hanz." Napatigil ako sa pag-iisip ng banggitin iyon ni Tita. Mabilis akong tumayo sabay paalam bago lumabas sa office niya .

Naabutan ko namang nakaupo si Krish sa may couch at halatang excited sa pangako ko sa kanya na ipakilala si Dia sa kanya.

"My lady pupuntahan na po ba natin ang Prinsesa?" Salubong na tanong ni Krish, kaya napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya.

"Yeah, as I promised."

.

.

.

"I'm very sorry."

"For what?" Nakakunot noo kong tanong kay Dia, hindi ako comfortable sa pinag-uusapan namin. At kanina pa ako hindi magkaintindihan sa aking kinauupuan dahil sa tensyon na nababasa ko sa mga mata niya.

Sa tuwing nagsasalita ako ay may kaba sa aking dibdib, at sa tuwing si Dia naman ang nagsasalita  ay hindi ako makatagal  na tingnan ang kanyang mga mata. Ewan ko ba parang naduwag akong harapin siya bigla.

"For being selfish, maging sa mga ginawa ko sa Amanpulo." Wala akong maibigay na sagot sa sinabi niya, kahit alam kong hindi iyon tanong. Pero kailangan ko ding humingi sa kanya ng pasensya.

"I'm sorry din, masyado akong naging overprotective."

"Really?" Muli akong napakunot ng noo dahil sa tanong na iyon.

Teka pinagloloko niya ba ako? Anong tanong 'yon? Pinagtitripan ba ako nitong pinsan ko? May galit pa rin ba siya sa akin?

"Ang totoo niyan akala ko hindi na kita makikita, akala ko galit ka sa mga isip bata kong gawain, akala ko dinibdib mo ang mga masasakit kong salita at akala ko hindi ko na makakausap ng ganito ang pinsan ko."

Isang malamig na braso ang naramdaman ko na yumakap sa aking katawan dahilan para hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Kanina lang halos masunog ang katawan ko sa sobrang tense na nararamdaman ko habang kausap siya, tapos bigla niya akong yayakapin ng ganito.

"Hindi ka overprotective na pinsan, concern ka lang kasi ayaw mo akong mapahamak, right? Hay namiss kita ng sobra."

"Dia hindi ako makahinga." Hinigpitan niya kasi ang pagkakayakap sa akin, kaya hindi na ako makahinga ng ayos.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now