Chapter 48: King of Altenstien

39 0 0
                                    

Chapter 48: King of Altenstien

Dia's POV

Bumungad sa aking paningin ang kumpol ng mga tao matapos makauwi galing sa opisina. Halo halong tao ang pilit gustong makapasok sa main gate ng palasyo kung saan doon dumadaan ang convoy at ang mismong sasakyan na ginagamit ko.

"Your Highness, mukhang mamaya pa po tayo makakapasok sa palasyo."

"Ngunit gagawan po namin ng paraan na mapaalis ang mga taong nasa main gate ng palasyo."

Tiningnan ko lang si Mr. Yong sa rear view mirror at muling tiningnan ang main gate ng palasyo.

Sa pagkakaalam ko isang issue ang kumakalat ngayon sa buong Riandorr, natural tungkol sa akin ang issue dahil wala naman silang ibang makuha sa mga actions ko para sa ikakabuti ng Rallnedia.

"An issue is spreading today about the Princess's personal profile information. According to the report that we received, there are still no results coming out from the DNA test investigated by the agency to ensure that Princess Dia is the only child of the late King and Queen. For the Dukes and Duchess even the head priest, Princess's face was not enough evidence to be proof that she was the only child."

Gaya ng nabanggit ng reporter hindi sapat sa mga nakaupo ang mukha ko upang maging ebidensya. Processing pa rin hanggang ngayon ang DNA kaya wala rin akong confident sa sarili kung ano ang posibleng maging resulta.

"Can I visit Duchess Eve instead?" Sa loob ng ilang araw magmula ng makabalik ako dito sa Rallnedia ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kausapin siya.

Gusto ko pa ring marinig mula sa kanya ang mga dahilan niya, kung bakit nagawa niyang itago sa akin ang tungkol sa kalagayan ni Mama at kahit alam ko na ang kanyang sasabihin mas paniniwalaan ko ang mga salitang manggagaling sa kanyang mga labi ng harapan.

Gusto kong marinig ang mga salitang iyon habang kaharap siya upang maging mas malinaw sa akin ang lahat lahat.

"Her grace is on her meeting right now Princess."

"Hihintayin ko siya." Halata sa mukha niya Mr. Yong ang pagkagulat sa kanyang mga mata sa sunod kong sinabi.

"Yes Your Highness."

.

.

.

"Your Highness?" Salubong na sambit ni Ma'am Vel nang makalabas siya mula sa opisina kasabay ng dalawang lalaki at isang babae na nakasuot ng pormal na damit.

"Greetings to Her Royal Highness."
Napayuko sila nang mapansin ako, kaya nagbigay gesture lang din ako sabay lakad papalapit kay Ma'am Vel.

"Bakit po kayo nandito?" Dagdag niyang tanong sa akin bago makalapit sa kanyang kinaroroonan bago makasagot.

"I want to talk to you."

"May appointment ka pa with Riandorr students this afternoon." Tiningnan ko ang tatlo na nasa likuran ni Ma'am Vel, mukha kasing wala silang balak na umalis at mas gustong pakinggan ang pag-uusapan namin ng Duchess.

"I already visited the Royal Academy of Riandorr, wala na akong iba pang appointment kaya naglaan ako ng oras para makausap ka." Pagkasambit ay nagpaalam na rin ang tatlong iyon.

Ang bilis ng mga pangyayari, halos kahapon lang noong una kong makilala si Ma'am Vel. Halos hindi mawala sa aking pangungusap ang "po" at "opo" na nakasanayan ko, ngunit ngayon tila bumaliktad ang panahon. 

Being a polite to a royal blood was part of the law under the article of King Geeno Wayler. Sa dami rin namang alam nitong Lolo ko, hindi niya ba alam ang salitang respect your elders? Ano kayang lagay ko kung may isang nabubuhay sa mga Lolo at Lola ko?

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now