Chapter 53: First Command

35 0 0
                                    

Chapter 53: First Command






Dia's POV

Maaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.

Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.

Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga.

"Your Highness?"

"Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran.

"Your Highness, are you okay?"

"I'm fine."

"My apologies Your Highness." Hindi na ako nagsalita pa matapos ang kahihiyang iyon.

Maya maya pa ay dumiretso na ako sa banyo upang makapaghilamos at makapaglinis ng ngipin.

Makalipas ang ilang sandali ay dumatin na sina Jeyya kasama si Manang Lou.

Abalang inasikaso ni Manang Lou at ni Maliya ang mga damit na susuotin ko habang si Jeyya naman ay abala ring ipinapaliwanag sa akin ang mga schedule ko ngayong araw.

Ngayong umaga ay pupunta ako sa capital town ng Riandorr kung saan may magaganap na festival sa darating na linggo kasabay ng accesion, sa tanghali naman ay virtual meeting with the board of directors ng Blant Styl, pagkatapos ay ang meeting with Royal Council at sa gabi naman ay dinner meeting with Ma'am Vel. Kitang kita niyo namam kung anong lagay ng schedule ko ngayong araw, at bukas naman ay training with Mr. Hienz para sa accession.

"Here's the pending appointment of other people who wants your presence this day." Hindi na ako nagulat pa nang makita ang halos dalawang pahina ng papel na may mga nakalistang pangalan ng mga tao na tinutukoy ni Jeyya.

"I will entertain them, if they can make it to wait for rescheduling."

"Is that so Your Highness. I'll check them out."

"Yeah thank you."

Kumain na rin ako habang inaayos ni Jeyya ang mga iyon, napalingon naman ako sa dalawa na patungo na sa banyo dala ang citrus flavor ng bath soap.

Ring

Ring

Ring

Napabalik ang atensyon ko sa kaharap ko na si Jeyya nang tumunog ang cellphone niya sa kalagitnaan ng trabaho.

Tumingin muna sa akin si Jeyya bago sagutin ang kung sinumang tumatawag sa kanya ngayon.

"Yes hello?"

"Yes Pa." Muli siyang sumulyap sa kinaroroonan ko habang may kausap sa kabilang linya.

"Baka sa Monday na po ako makabisita, pero hindi pa po ako sigurado sa araw na iyon."



"Sige po, Miss you Pa. Pakisabi na rin po kay Mama na miss ko na rin siya, bye. Love you." Pagkatapos niyang makausap ang Tatay niya ay agad na rin niyang ipinagpatuloy ang trabaho niya.

"Do you want anything Princess?"

"No, thank you. I'm just wondering about your parents."

"My parents? Haha gano'n pa rin po, walang pinagbago."

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now