Chapter 4: Royal Blue Dress

196 11 0
                                    


Chapter 4: Royal Blue Dress





Dia's POV

Maaga akong umalis sa bahay at tinahak ang daan patungo sa terminal, nakangiti ang aking mga mata maging ang aking labi habang nakasakay sa jeep na nadatnan ko kanina. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din agad ang sinasakyan kong jeep, mukhang tinantanan na ako ng kamalasan ko, dahil wala kahit anong abirya sa pagsakay ko hanggang sa makarating dito sa city. Mas lumaki ang ngiti ko habang tinatahak ang daan patungo sa building ng Swisly Corporation.

Nasa sidewalk pa lang ako sa tapat ng building ng may mapansin dahilan para mapakunot ang noo ko sa mga sandaling iyon, agad akong tumakbo papalapit sa building at gaya nga ng napansin ko kanina sarado iyon at walang katao tao kahit isa, patay ang lahat ng ilaw maliban sa apat na ilaw dito sa labas. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:40 pa lang ng umaga at 8:00 in the morning ang oras na nakalagay sa email sa akin matapos kong icheck kahapon, nakalagay din doon ang oras ng pagbukas ng office from 7:00 am to 6:00 pm.

"Excuse me, Miss hindi po ba kayo nainform na sa kabilang building ang gathering ngayong araw?"

Napalingon ako sa pinangyarihan ng boses na iyon, isang matangkad at may edad na lalaki na nakasuot ng itim na suit na tila galing sa isang business meeting dahil sa suot niya, ngunit naiba ang atensyon ko ng mapansin ng aking mga mata ang sasakyan na nasa likuran niya pero ibinalik ko din ang atensyon sa lalaking nasa harap ko na ngayon na may 2 metro ang distansya sa aking kinatatayuan.

"Ano pong gathering? Tsaka saan po ang kabilang building?" magkasunod kong tanong sa kanya, nakaramdam na naman ako ng kaba sa aking dibdib dahil sa tanong ko. Kung sakalaing malayo ang building na iyon mahihirapan ako makasakay agad, ngunit hindi ko din alam kung anong address ng building na tinutukoy ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Kamalasan na naman ba ulit ito? Kasi kanina lang ang saya saya ko, ngunit ito pala ang madadatnan ko. Hindi man lang ako sinabihan ni Brando na may gathering ngayon at may isa pa palang building ang Swisly Corporation na ito. Sambit ko sa aking isipan habang nag iisip kung paano ako makakarating on time sa lugar na sinasabi ng lalaking ito.

"Pinapunta po ako ni Mr. Swisly para sunduin kayo."

Napatingin ako sa lalaking iyon ng dahil sa sinabi niya.

Ako pinapasundo ng director ng kompanyang ito? Tanong ko sa isipan ko sabay tingin sa kabuuan ng building.
Teka sino nga ba ang director nila? Hindi ko maalala dahil ang haba ng kanyang pangalan at tanging apelyido lamang niya ang natatandaan ko. Muli kong bulong sa aking sarili.

"Sakay na po kayo Miss Madrigal."

Tumalikod sa akin ang lalaking iyon at binuksan ang pinto ng sasakyan na nasa likuran niya kanina. Teka is this for real? Sasakay ako sa isang mamahaling sasakyan, tapos may nagbukas pa sa akin ng pinto. Nananaginip ba ako? Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan sa mga sandaling nakatayo pa rin ang lalaking iyon habang hawak hawak ang pinto ng sasakyan. Never ko pa kasi naranasang sumakay sa isang magarang sasakyan na katulad nito, sa TV lang ako nakakakita ng Bentley Continental Flying Spur at karamihan sa kulay na nakikita ko ay black hindi katulad ng nasa harap ko ngayon na kulay maroon.

"Manong, Kuya, kung anuman po ang pangalan niyo, sure po ba kayo na pinapasundo ako ni Mr. Swisly?"

Nag-aalangan kong tanong sa kanya. Sino ba naman kasing director ang susunduin ang isang kakahire pa lang na empleyado? Tsaka ngayon pa lang ang unang araw ko sa trabaho ko dito sa Swisly Corporation.

"Hinihintay na po kayo sa gathering."

Tumango lang ako at lumapit sa nakabukas na pinto ng isang magarang sasakyan, pumikit muna ako kasabay ng pagbuntong hininga ko bago sumakay sa sasakyang iyon. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay sumalubong sa aking paningin ang dalawang puting upuan na kahit sino ay mahihiyang umupo dahil sa sobrang puti nito, may kaunting strip ng maroon ito sa tagiliran, naagaw ng atensyon ko ang dalawang maliit na screen na nasa likuran ng dalawang upuan sa front seat, ganoon na lang ang pagkamangha ko sa mga sandaling nasa loob ako ng sasakyan habang nag aayos ng seat belt ang lalaki kanina na nasa driver seat na ngayon.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now