Chapter 17: Stress Reliever

88 6 0
                                    

Chapter 17: Stress Reliever

.

.

.

Dia's POV

Lumipas ang magkakasunod na araw, ang ilan ay nagbago sa opisina maging sa bahay.

Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa notebook at papel na nasa harapan ko, hindi ako makapagconcentrate sa tuwing nag-iingay ang dalawang kasama ko dito sa conference room.

"Ilang araw mo na hindi macompute ang formulang 'yan?"

"Ayaw mo ba talaga magpatulong sa aming dalawa?" Tiningnan ko lang si Shaine na abala sa paghawi sa buhok ng jowa niya.

"Yeah babe is right, last night you could hardly go home because of that. "
Panggagatong naman ni Kirssen a t tuwang tuwa sa ginagawa sa kanya ni Shaine.

"Dia tutulungan na kita diyan." Hindi ko na lang pinansin ang dalawa na walang ginawa kundi magharutan sa harap ko.  Sino pa ba? Kundi si Shaine at si Kirssen, noong nakaraang linggo lang halos araw araw silang nag-aaway at nagbabangayan, ngayon naman parang mga linta na hindi mapaghiwalay.

Lumipas ang ilang minuto ngunit nanatili pa rin akong nakaharap sa mga numero na nakasulat sa papel at notebook ko.

"Babe I'm hungry na."

"Saan mo gusto kumain?"

"Anywhere you want, but I'm fine in cafeteria so we don't have to go out."

"Sige babe. Dia? Mamaya na 'yan, sumabay ka na sa amin sa cafeteria. Baka mamaya  maloka ka niyan kakahanap ng solution."

"Haha Shaine are you kidding me? Si Dia maloloka?" Imbes na makapagfocus ako sa ginagawa ko ay mas lalo akong nadidistract sa dalawa.

"Babe let's go, mamaya pa  matatapos si Dia diyan."

"No June, hindi natin pwede iwanan mag-isa si Dia."

"Kaya na 'yan ni Dia, tsaka na nagugutom na ako babe."

"Hays hindi nga pwede June. Dia sumabay ka na sa amin, tutulungan ka namin pagkatapos natin kumain." Pansin kong walang ginawa si Kirssen kundi ang lumingkis sa braso ni Shaine, kaya mas lalo akong hindi makapagfocus sa ginagawa ko. Nakakainis din ang baluktot niyang pagtatagalog.

"Kayong dalawa na lang ang kumain hindi pa ako nagugutom."

"Oo nga Shaine, bilhan na lang kaya natin si Dia? Tsaka nagugutom na talaga ako babe."

"June hindi pwede. Dia sumabay ka na sa amin." Biglang isinara ni Shaine ang notebook na nasa harapan ko, kinuha niya iyon sa akin maging ang ballpen na hawak ko.

"Kayong dalawa na lang ang kumain, tsaka wala akong appetite ngayon."

"Hindi pwede, dapat sumama ka sa amin!"

"Hays naghihintay sayo ang jowa mo, baka mamaya ako pa ang kainin niyan." Pabulong kong sambit at sapat lang na hindi nila marinig pareho habang pilit pa ring kinukuha sa kanya ang mga gamit ko.

"What did you say?"

"I said I don't want to eat, kaya kayong dalawa na lang." Mahinahon kong sambit, ayaw kong sigawan muli si Shaine tulad ng ginawa ko sa kanya noong nakaraang linggo.

"You're going with us whether you like it or not!" Nagpanting ang tainga ko ng marinig sigaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin sa mga sandaling iyon ngunit muli kong sinubukan kunin ang gamit ko. Pero mas lalo akong nainis ng itaas niya iyon gamit ang isa niyang kamay kaya mas lalong hindi ko makuha sa kanya, paano ba naman mas matangkad siya sa akin ng mga 13 centimetres. 170 cm lang ang height ko, hindi tulad niya na 183cm.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon