Chapter 20: The Vacation III

70 7 0
                                    

Chapter 20: The Vacation III


Dia's POV

Kinagabihan ay bumalik na din ako sa loob ng villa upang kumain ng dinner. Hindi na ako nakaligo sa pool dahil ayaw kong makita si Shaine at ang kasama niya, kaya maghapon akong naglakad lakad sa tabing dagat. Hindi naman ako nabore dahil may nakilala akong ibang guest sa katabing villa dito sa may west.

Nang makarating ay naabutan ko si Ma'am Vel na abala sa kanyang kausap sa telepono habang ang chef naman na nakasuot ng uniform ay nasa harap ng dining table. Lumapit ako doon at pinanood ang ginagawa niya.

*Good evening Ma'am." Nakangiti niyang bati sa akin, ginantihan ko naman siya ng ngiti nang makita ko kung paano niya paikutin sa hawak niyang stainless spatula ang isang itlog.

Maya maya pa ay itinaktak niya iyon at unti unting lumabas doon ang laman nito. Pagkatapos ay agad niyang nilagyan ng mga gulay at ng white wine. Nagulat pa ako ng biglang umapoy iyon pero hindi ko pinahalata sa kaharap kong chef na masayang nagluluto.

"Tita may dala po ba kayong medicine kit?" Nang marinig ko ang boses na iyon ay agad kong kinuha ang phone ko at nagkunwaring kumukuha ng video sa kaharap ko. Ngunit ng mapansin ko na papalapit ang babaeng iyon ay pinindot ko na ang button ng video cam.

"Hi guys, so ngayong gabi ating pong matutunghayan ang live performance ng ating chef for this evening." Nakangiti kong bati sa on going video. Lumapit ako sa chef at bumulong upang itanong ang pangalan niya.

"Please welcome Chef Andree." Itinapat ko ang camera sa chef, ngumiti siya at nakisakay sa biglaang  trip ko sa buhay. Napatigil pa ako ng mapansin ang mas malaki niyang ngiti sa labi.

"Chef ano pong menu natin ngayong gabi?" Tumingin muna siya sa camera at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya, hinalo muna niya ang niluluto sabay tingin muli sa camera.

"This is Korean beef stir fry with egg." Maya maya pa ay may limang malalaking hiwa ng karne ng baka siyang inilagay sa  stainless grill, sunod niyang ginawa ang pagluluto ng sauce para sa pasta na kakaluto lamang.

Itinapat ko lang doon ang camera nang makalapit ni Shaine sa dining table.

"Why don't you try to stir this one?" Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa Chef upang haluin ang sauce na niluluto niya, pero bago iyon inilapag ko muna ng ayos ang phone ko upang makita kaming dalawa sa video.

"Maalam ka bang magluto Dia?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Shaine sa halip ay kinausap ang camera na nakaharap sa akin.

"Guys after maluto nitong sauce ay ilalagay na din natin ito sa pasta at sa ginawang sauté ni Chef Andree, pero bago ang lahat kailangan munang maluto ng karne bilang toppings, right Chef?"

"Yes and before mong patayin ang stove kailangan mo munang lagyan ng black pepper ang sauce." Iniabot sa akin ni Chef Andree ang black pepper, ibinudbod ko naman iyon sa sauce at muling hinalo.


.

.

.

Hindi ko inimikan si Shaine nang matapos sa niluluto ni Chef Andree hanggang sa makabalik ako sa kuwarto ko pagkatapos kumain.

Napabuntong hininga na lang akong humiga sa kama nang makabalik sa kuwarto. Nilingon ko naman ang banyo upang maglinis ng katawan dahil medyo nabasà ang likod ko kanina kakalakad, bumangon ako at tinungo ang banyo.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ako doon na nakasuot ng light blue bathrobe, imbes na magpalit ng damit ay naisipan kong lumabas sa terrace ng kuwarto. Napahingang malalim ako ng malanghap ang simoy ng hangin, umupo ako sa furniture lounge chair at humilata doon.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now