Chapter 42: First Day as Grand Princess

75 1 0
                                    

Chapter 42: First Day as Grand Princess

Dia's POV

Makalipas ang ilang sandali matapos akong makoronohan ay may mga media na nakaabang sa akin palabas ng function hall, ngunit dahil isa na akong ganap na Grand Princess mas marami ang bodyguard na nakapaligid sa akin. Wala kahit isang makalapit sa halos tatlong metrong layo dahil sampung bodyguard na iyon.

Tatlong oras lang ang tinagal ng koronasyon ngunit para sa akin ay halos tatlong araw akong nakatayo sa harapan ng maraming tao kanina.

"Your Highness magpahinga na po kayo." 

Tiningnan ko lang si Mr. Yong nang makarating ako sa kuwarto ko habang nakatayo naman sa labas ang mga bodyguard.

Mr. Yong hindi po ba kayo babalik sa Pilipinas para makasama ang pamilya niyo? Nag-aalala sa inyo si Shine, at kahit masakit sa kanya na iniwan mo sila handa pa rin siya na salubungin kayo ng mahigpit na yakap.

"Thank you Mr. Yong for your hard work, goodnight." 

Pagkuway ay umalis na rin siya, nakita ko pang nakatayo sa labas ng kuwarto ang iba pang bodyguard matapos niyang isara ang pinto. Dumiretso ako sa banyo upang maglinis ng katawan para makapagpalit na rin ng damit. 

Tama ba ang desisyon kong bumalik dito? Tama bang iniwan ko si Mama sa kalagayan niya ngayon? Hays hindi ko rin alam, pero nangyari na ang dapat nangyari at hindi ko na kayang ibalik pa ang mga oras na iyon. 

.

.

.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kuwarto, katatapos ko lang maligo nang may kumatok mula sa pinto.

"Your Highness."

"Come in." 

"Here's your schedule for today." 

Napansin kong may pumasok pang dalawang tao ng mapansin kong abala si Jeyya sa mga documents.

"Dinagdagan ko ang guard na makakasama mo every meeting, and you are not allowed to go with one person." 

Tiningnan ko lang sa mata ang lalaking nagsalita habang binabasa naman niya ang mga nakasulat sa hawak niyang papel.

I miss his voice, even his glare. It's been a month since I saw him, and it's been a month since I denied my jealousness.

Sh*t! Not now Dia, you need to focus for your first day as Grand Princess.

"Is my breakfast ready?"

"Yes Your Highness," sagot ni Manang Lou.

Tumayo na rin ako matapos mabasa ang mga documents para sa first meeting ko, pansin ko sa aking peripheral vision ang reaksyon ni Nico.

Should I greet him? No Dia, bumalik ka dito hindi para sa kanya. Napabuntong hininga na lang akong lumakad patungo sa labas ng kuwarto.

"9 am to 10:15 am is your first appointment is at Cratemia School. They won the Sport festival 2 weeks ago, as part of the tradition you were assigned for ribbon cutting in the recent renovation of the auditorium."

"Then?" abala ako sa aking kinakain habang si Jeyya naman ay hawak ang tablet.

"Next 10:30 am to 11:50 am, the proposal of the new design. Board of directors of Blant Styl request your presence for this new design."

"Do I have lunch meeting?"

"Yes Your Highness, 12:00 nn with Duke and Duchess of Winstown."

"Next is 2:00 in the afternoon, visiting a foundation in Stania."

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon