Chapter 24: Duchess of Stania

72 4 0
                                    

Chapter 24: Duchess of Stania




Dia's POV

"You should try this one." Iniabot sa akin ni Alira ang isang dress na nakasabit sa hanger stand, tinanggap ko naman iyon ngunit nagdadalawang isip pa ako kung isusuot ko ba ito o hindi. Tiningnan naman ako ni Nico at ni Ma'am Vel habang nakatayo sa gitna ng session hall dito sa Blant Styl building.

"You still have 10 minutes."

Hindi ako magkanda ugaga sa pagpili ng mga damit, halos lahat kasi ay pare pareho ang kulay at design na babagay sa theme na nasa screen.

Dia ngayon mo paganahin ang galing mo sa mga designs, please 10 minutes na lang ang natitira mong oras bago matapos ang second practical test mo. Balisa kong sambit sa aking isipan habang patuloy pa rin sa pagpili ng susuotin.


Makalipas ang walong minuto ay pumasok na din ako sa dressing room, tinulungan naman ako ng fitting room attendant upang maisuot ng tama ang mga damit na napili ko. Wala pang dalawang minuto nang matapos ako sa pagsuot ng damit, agad din akong lumabas upang ipakita sa kanila ang napili kong damit as a guest sa wedding na may classy motif.

Walang reaksyon ang mukha ni Nico maging ni Ma'am Vel nang makita nila akong naglalakad papunta sa unahan ng hall, hindi ako satisfied sa napili ko pero connected siya sa motif at theme ng kasal ngunit hindi sa paningin ng dalawa na nagsusulat habang nakatuon ang tingin sa aking kinatatayuan.

3/4 longsleeve raspberry pink dress above the knee lang naman ang suot ko, na sinamahan ko pa ng kulay raspberry pink fascinator na may maliit na ribbon at alam kong alam niyo ang fascinator, 'yon bang hat na ginagamit ng mga royalties na may matitingkad na kulay at syempre hindi pwede na wala akong dalang handbag, pinili ko ang black handbag na perfect ang combination sa suot ko ngayon.







Nakatingin lang ako sa kanilang lahat habang abala sila sa kanilang sinusulat, nakatayo lang ako habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa handbag na dala ko, pangiti ngiti lang ako habang abala pa rin silang dalawa gayundin ang iba pang nandito sa loob ng session hall.

"Thank you Dia, take your break for th next practical test." Napabuntong hininga ako ng marinig iyon mula kay Ma'am Vel.

Bumalik na din agad ako sa dressing room, pinasalamatan ko naman ang fitting room attendant na tumulong sa akin kaya medyo natagalan ako bago makalabas.


Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na din ako, napansin ko pa na pinapalitan ng ibang staff ang mesa at nilagyan ng kung ano anong design na makikita sa mga kasalanan or sa mga event. Naalala ko na table etiquette ang sunod na practical test kaya nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Medyo nalilito kasi ako sa mga instructions na binigay sa akin ni Nico noong nakaraang linggo kaya wala akong confident na magagawa ko ng ayos ang set up na ito.

"Dia you don't need to be nervous. It's just a dinner with your staff and company employees." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ma'am Vel.

Dinner? So ibig sabihin totoong kakain kami with all Blant Styl employees and staff?

"Just take your time to review some table etiquette while they have not yet finished arranging the table setting."

"Thank you Ma'am Vel."

"Sa susunod ayaw ko ng naririnig ang "Ma'am Vel" mula sa'yo, okay?"

"Pero---

"Just call me Evelyn, Duchess of Stania or just Eve." Hindi na ako nakapagsalita pa ng biglang may lumapit sa aming dalawa ni Ma'am Vel este Evelyn Duchess of Stania, Eve hays ano ba ang itatawag ko sa kanya. Teka parang wala akong galang kung tatawagin ko lang siya sa pangalan niya, pero---

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now