Chapter 18: The Vacation

86 7 0
                                    

Chapter 18: The Vacation

Dia's POV

"Sa ngayon wala pa kaming mahanap na bagong secretary, kaya si Shaine pa rin ang makakasama mo sa susunod na mga araw."

"Naiintidihan ko po." Ibinaling ko ang atensyon sa labas ng bintana kung saan tanaw ang nagtataasan at naglalaking mga gusali sa paligid nitong Blant Styl na may palapag na umaabot hanggang 30.

"Is this about what she did two days ago?"

"Hindi po." Tipid kong sagot sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na iyon, hindi ko din kasi alam kung bakit ganun na lang ang inasta ko noong mismong araw na iyon. Okay naman ako noong umaga pagkarating ng opisina, pero nagbago ng sumapit ang pananghalian. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa binabasa kong libro, halos patapos na din kasi ako kaya tatapusin ko na ngayong araw.

"Bakit gusto mong ilipat si Shaine?" Alam kong nag-aalala si Ma'am Vel kung bakit biglaan ang desisyon kong iyon, pero hindi ko talaga alam kung bakit gusto kong ilipat si Shaine.

"Ang totoo po niyan, hindi ko din po alam ang sagot." Magalang kong tugon kay Ma'am Vel. Isinara ko ang librong hawak ko, matapos ay tiningnan ko siya, sumalubonh naman sa akin ang malaki niyang ngiti sa labi kaya gumanti na lang ako. Nawala ang kaba sa dibdib ko ng makita ang ngiti niya, pero may agam agam pa rin sa aking isipan kung bakit nga ba ako nagkaganun.

"Pero kung wala po talaga kayong mahanap na papalit sa kanya ayos lang po. Nadala lang po siguro ako ng pagod at stress noong hapon na iyon, kaya ko nasabi ang lahat ng iyon."

"Why don't you come with me tomorrow?" Napatingin lang ako sa nakangiti niyang reaksyon sa mga sandaling iyon.

"Come with me and relax your mind for three days."

"Pero may following lessons pa po ako this coming Monday."

"Don't worry ako ang bahala." Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. May inilapag siyang brochure sa table kung saan nakapatas ng ayos ang mga librong binabasa ko kanina.

"Take a break."


Maya maya ay umalis na din siya, naiwan ako mag-isa dito sa loob ng opisina. Wala pa halos kalaman laman ang opisina dahil hindi pa naman ako ang nagmamay-ari nito. Isang modern table, swivel chair, mini glass table para sa bisita, apat na single couch, carpet at isang halaman na nasa tabi. Sa ngayon ay hindi pa ako nakakapagdesisyon kung anong design ang ilalagay sa loob kaya wala pang kabuhay buhay ang kabuuan nito.





Napatingin ako sa brochure na iniwan ni Ma'am Vel habang nakaupo pa rin ako sa swivel chair na kulay itim. Napansin ko ang isang island resort sa front page na may pangalang Amanpulo, ngunit ng buksan ko ay bumungad sa akin ang magagandang tanawin maging ang mga villa na maraming ilaw sa paligid nito maging ang kabuuan ng isla. Binabasa ko ang pinakababang bahagi ng brochure kung saan nakalagay ang pangalan at lugar ng resort na iyon.

Amanpulo Resort in Palawan, napalunok na lang ako ng laway ng makita ang bawat villa na naggagandahan maging ang presyo na nakalagay doon. Binuklat ko ang kasunod na pahina ng brochure, nakalagay doon ang mapa ng buong isla, habang may nakalabel sa ibaba kung saan mahahanap ang iba't-ibang destinasyon na maaaring puntahan.

.

.

.

"3:00 in the afternoon ang alis natin, ipapasundo na lang kita kay Erick after mo bumisita sa Mama mo."

"Thank you po."

"Okay see you later." Ibinaba ko na ang cellphone matapos makipag-usap kay Ma'am Vel. Kakarating ko lang dito sa hospital upang dalawin si Mama, at dahil wala akong trabaho ngayong araw mas pinili kong puntahan siya bago umalis patungong Palawan.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now