Chapter 36: September 2

48 2 0
                                    

Chapter 36: September 2




Evelyn's POV

"Miss Bautista ipapaalala ko lang sa'yo na hindi makakasama si June bukas sa meeting kaya sa'yo ko ihahabilin ang mga files na kailangan ko. Hand it to me before 4'o clock in the afternoon, okay?"

"Yes your grace."

"Okay, I'll have to go now for my lunch meeting with the other Duke and Duchess." Sinundan lang ako ni Yong at ni Jeyya pababa ng palasyo patungo sa sasakyan na nakaparada sa tabi. Pinagbuksan pa ako ng isa sa mga guard ni Dia na si Hanz, nginitian ko lang siya at pumasok sa loob.


Tumunog ang cellphone ko sa mga sandaling iyon habang binabaybay ng sasakyan ang daan patungo sa venue.

"Hello?" Agad ko namang sagot sa kabilang linya.

"Oh I'm sorry, please call me after my lunch meeting." Pagkababa ng tawag ay napansin ng aking mata ang biglang pag-iwas ng mga mata ni Miss Bautista nang mapansin ko na nakatingin siya sa akin gamit ang rear view mirror.

"Do you have wet tissue Miss Bautista?"


"Yes your grace." Halata sa boses niya na gulat na gulat siya sa mga sandaling iyon. Hindi ko na lang pinansin pa, sa halip ay inihanda ang mga kailangan para sa meeting ko.

.

.

.

Shaine's POV

Teka kung one week na akong nandito sa Pilipinas ibig sabihin one week ding magkasama nina Dia at ng babaeng iyon?
Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papasok ng isang establishment.

"Excuse me Ma'am? Do you have any reservation?" Salubong na tanong sa akin ng isa sa mga crew na lumapit sa akin ng makapasok ako.

"Yes, Miss Fernando please."

"For two person Ma'am?"

"Yes, thank you."


"Private room number 02 Ma'am, your companion was already in the room Ma'am."

"Thank you again." Naexcite ako sa sinabi ng crew na iyon kaya agad din akong lumakad papasok. Isang crew naman na babae ang sumunod sa akin pababa ng basement ng shop na tinutukoy ni Mariel kanina. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klase ng lugar kaya hindi pamilyar sa akin ang lahat lahat dito.

"Room number 02. Enjoy your stay Ma'am."
Tumigil kami sa isang room kung saan may nakalagay sa gilid ng pinto na number na tinutukoy kanina ng isang crew.

"Thank you dear." Umalis na din ang babaeng iyon kaya naiwan ako mag-isa sa tapat ng pinto ng kuwartong iyon. Napabuntong hininga pa ako bago hawakan at pihitin ang door knob ng kuwarto.

Dahan dahan kong tinulak ang pinto papasok ng kuwarto, sa mga sandaling iyon ay unti unti kong nasisilayan ang anino ng isang babae na nakatayo malapit sa bintana kung saan may malakas na liwanag na nagmumula sa kanyang kanang bahagi.

"Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na nasa kritikal na kondisyon na pala si Mama?" Bungad niyang tanong sa akin.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa biglaan niyang tanong.

"Bakit tinatago niyo sa akin ang nangyayari sa kalagayan ni Mama?"

"Dia pasensya na, alam---

"Pasensya? Alam mong mahalaga sa akin si Mama, at alam mo kung gaano naaapektuhan ang trabaho ko kapag may bumabagabag sa aking isipan."

"Kasalanan ko---

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon