Chapter 57: The Accession

41 0 0
                                    

Chapter 57: The Accession

Aria's POV

"Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor.

"Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again."

Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina.

Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van.

"Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha.

Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan.

"Miss Gallegos, you are assigned in room no.10 with Miss Rosales."

"While Miss Guevara you are assigned next the room with Miss Acosta."

Agad ko na ring kinuha ang gamit ko at sinundan si Miss Acosta na isa sa mga program controller ng event staff.

"Aria!" sigaw ni Mocha.

Tumigil naman ako sabay lingon sa kanya. Nasa second floor na kami ng building habang nasa gitna ng hallway, nasa harap na rin namin ni Miss Acosta ang room naming dalawa.

"Miss Acosta pwede po bang ako na lang ang kasama niyo sa room?" tila nagpanting ang tainga ko sa narinig ko mula kay Mocha.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Mocha sa amin ni Miss Acosta. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ni Miss Acosta na tila ba may binubulong.

"No Miss Acosta, baka hindi niyo makayanan ang hilik ni Mocha sa gabi kaya huwag po kayong papayag."

"Sure Miss Gallegos," nakangiting tugon ni Miss Acosta.

"What?" blanko kong tanong sa kanila.

"See 'ya Aria."

BAM!

Humampas sa aking suot na dress ang hangin na nalikha ng pinto matapos itong isara ni Mocha.

Mocha, ano na naman ang binabalak mo? At kailan mo ba ako titigilan sa pang-uukray kay Leyla?






"Miss Guevara ikaw na lang ang wala sa ground floor. May problema ba?" napalingon lang ako sa ibabang bahagi ng hagdan matapos marinig ang boses ni Mr. Castor.

"Po?" tugon ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi sa tapat ng room mo."

"Mr. Acosta dumating na po ang mga order niyo!" natigilan ako nang marinig ang boses ni Mocha.

Pangiti ngiti siyang lumapit kay Mr. Acosta na para bang walang ginawang kasalanan sa akin. Tiningnan ko lang siya habang nakikipag-usap sa manager namin. Tumingin ka sa aking babae ka! Tutya ng aking isipan sa mga sandaling iyon.

Maya maya pa ay lumingon siya sa aking kinatatayuan, nginitian niya lang ako na para bang nakikipag-asaran pa sa akin. Bitbit ko pa rin ang mga gamit ko magmula kanina kaya mas lalo akong nakaramdam ng ngalay, tila may mabigat na kung ano sa balikat ko.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now