Chapter 37: White Envelope

42 2 0
                                    


⚠️Warning:⚠️
Other scenarios have delicate words that are not appropriate for children ages 12 and under. Please just follow this warning.





Chapter 37: White Envelope

Shaine's POV

"I'm sorry Shaine, hindi ko kayang iwan si Mama sa ganitong kalagayan." Walang ibang tumatakbo sa isip ko sa mga sandaling bitawan ni Dia ang mga salitang iyon, isang salita ang paulit ulit na bumabagabag sa isipan ko "Bakit?".

"Buo na ang desisyon ko, kaya bumalik ka na sa Rallnedia."

"Matapos ang lahat?"


"Hindi muna kailangan pang isumbat ang mga itinulong mo sa akin sa loob ng mahigit tatlong buwan."

"Pero Dia---


"I do not deserve the throne. By the way, thank you for everything and thank you dahil nakilala kita." Napalunok ako ng laway sa mga sandaling pinipigilan ko ang luhang nagbabadya na mula sa akin mata.


"Goodbye." Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay Dia na nakangiti at kumpiyansang kumpiyansa sa desisyon niya.

No, hindi ito ang inaasahan ko sa huling araw ko dito sa Pilipinas. Hindi ako maaaring bumalik sa Rallnedia na hindi siya kasama.

Maya maya pa ay napansin kong lumapit siya, isang malamig na yakap ang ginawa niya sa mga sandaling hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

.

.

.

"My lady handa na po ang private plane niyo." Napansin ko ang isa sa mga bodyguard ko na nakatayo sa labas ng kuwarto.

Ayaw kong umalis ngunit hindi ako pwedeng malate bukas sa coronation.

Maya maya pa ay tumayo na ako at nilisan ang kuwarto.

Bukas na ang final coronation, ngunit wala pang balita kung kay Dia ba ang coronation o sa Duke ng Dunnelbridge.

Hays hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa mga problema na kinakaharap namin ngayon. Sa Rallnedia, trono ang inaalala ko, si Dia na ayaw ng bumalik sa lugar na iyon then dumagdag pa ang issue ni Dia sa ex boyfriend niya na walang hiya.


Flashback

"Hey Shaine watch this." Iniabot sa akin ni Shine ang laptop, nakaflash sa screen ang isang lalaki na nakangiti habang nakaupo sa harap ng maraming reporters.

"Mr. Martinez totoo po ba na kayo ang kasintahan ng Prinsesa ng Rallnedia na si Dia?"


"Yes, totoo po na ako ang boyfriend ng Prinsesa."


"Ngunit bakit ngayon lamang napabalita ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa?"


"We're legal but we don't want it to be in public before. Ngunit sadyang mabilis makakuha ng atensyon ang girlfriend ko, kaya ako na mismo ang unang magsasabi tungkol sa relasyon namin."


"Ilang taon na po kayo sa relasyon niyo?"

"I don't want to mention a number pero since high school nagsimula ang relasyon namin. We both in the same department back then, she's also the queen of arts and design.


"Ngunit may kumakalat po na balitang nagbreak up na kayo noong college days."



"It's not true, we just need space back then because of our busyness but after few months we get back to each other."



Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now