Chapter 13: Lab Results

123 9 2
                                    


A/N: Kahit hindi pa ako nakakarecover e nagUD na agad ako haha. Enjoy 😊.

.

.

.

Chapter 13: Lab Results


Dia's POV

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko at di makapagfocus sa aking ginagawa.


"Naintindihan mo ba lahat?" 

Blankong mukha lang ang naisagot ko kay Shaine habang hawak ang mga libro na ilalagay na sana sa bandang ulo ko.



"Huwag mo akong bigyan ng ganyang sagot, tsaka may kasalanan ka pa sa akin." 

Ibinagsak niya ang tatlong libro sa mesa sabay talikod sa akin.



Problema ba nitong babaeng 'to? Kanina pa siya ganyan, akala mo naman naglilihi na ewan. Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin lang kay Shaine.



"Within 30 minutes dapat matapos mo 'yan. Para kapag pumunta na dito si Nico at si June ay makapagsimula ka na din agad sa proper etiquette lesson mo."



"Sino si June?"



"Mamaya mo na lang alamin, simulan mo ng gawin 'yan." 

Sabay turo sa mga libro na nasa mesa.



"Diyan ka lang, may kukunin pa ako sa baba." 

Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay sinimulan ng magbalanse ng libro habang nakapatong sa ulo ko. Baka daw kasi pagtawanan ako nung June na kanina niya pa binabanggit, perfectionist at maarte, 'yun ang sabi ni Shaine kanina. Ewan ko ba sa dinami dami ng tinuro niya kanina 'yung kaartehan lang ni June ang tumatak sa isip ko.



"Excuse me?" 

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.




"Is Carson here?"



"She is in the lobby."




"Thank you." 

Umalis na din siya pagkasabi no'n. Napakunot na lang ako ng noo dahil iniwan niyang bukas ang pinto ng office.




Sino ba 'yun? Bubuksan buksan ang pinto para magtanong tapos iiwanan na lang basta. Naiinis kong bulong sa isipan ko, naglakad na ako patungo doon. Hinawakan ko ang doorknob ng...



"Sorry I forgot to close it."



"AY KABAYO NG NANAY MO!" 

Nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko ang babaeng iyon. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa mga sandaling iyon dahil sa pagkagulat.



"I am very sorry." 

Tiningnan ko lang siya ng aktong lalapit na sana siya sa akin, napatigil pa siya sa gagawin niya dahil sa reaksyon ng mukha ko.



"Okay lang po. Pasensya na din, magugulatin lang talaga ako." 

Hahawakan ko na sana muli ang doorknob pero pumasok bigla ang babaeng iyon.




"Ditow ko na leng hihintayin si Carson, okay leng ba?" tanong sa akin nitong hilaw na babaeng ito. Paano ba naman baluktot magtagalog.




"Sure po kayo?" paglilinaw ko, baka kasi nagbibiro lang 'tong hilaw na babaeng 'to.




"Yes, don't worry I won't bother you," pangiti ngiti niyang sagot.




Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon