Chapter 50: Red Ravens

40 0 0
                                    

Chapter 50: Red Ravens

Gene's POV

Nakatingin lang ako sa dalawang Prinsesa sa mga sandaling iyon. 

Brat nga ang babaeng ito, sa harap pa talaga ni Dia? Walastek din ito kung mag-isip. Bulong ko sa aking isipan habang abala pa rin si Dia sa ginagawa niya.

"Nagcollide na ang dalawang Prinsesa." Bulong kong sambit kay Krish, natawa naman siya ng mahina at sapat lang upang hindi marinig ng dalawa.

.

.

.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na rin si Princess Dia at sumunod patungo sa chamber ni Princess Athyna. Hindi na niya kami isinama pa dahil may pinapatapos pa siya sa aming tatlo nina Krish at Jeyya, tanging si Hanz lang ang kasama nito ng makaalis.

"Sa tingin mo mapapapayag ni Princess Dia si Princess Athyna?" Napalingon ako kina Jeyya at Krish na kahit abala sa pagsosort ng mga papel ay nagagawa pa ring magkwentuhan.

"Wala ka bang tiwala sa pinsan ko?" Singit kong tanong dahilan para sabay silang mapalingon sa kinaroroonan ko. 

Kailangan kong sakyan ang trip ni Dia sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya pero kailang ko pa ring malaman kung ano pa ang iba niyang pakay maliban sa main source na kailangan niya.

"Meron naman po."

"Kahit sinasabi nilang mahina sa academics ang Prinsesa magaling naman siyang dumiskarte, diba?" Tumango tango lang ako bilang tugon sa sinabi ni Jeyya.

Pagkuway ay ipinagpatuloy na lang namin ang pagsosort ng mga papel na ginawa ng Prinsesa, halos isang araw lang ang lumipas mula ng umalis kami sa Rallnedia  pero nakalimang page na agad ang Prinsesa sa trabaho niya. 

Ito ba ang sinasabi ni Nico at June na mahina sa academic ang Prinsesa? What I mean is mahina pagdating sa business matter? Wala ba silang tiwala sa pinsan ko na kasing ganda ko? Hays buti pa si Shaine hindi nakita kay Dia ang ganitong klase na sinasabi nina June at Nico.

"Your Highness! His Majesty is looking for you." Natigilan ako sa ginagawa ko sabay lingon sa pinto ng kuwartong ito, gayundin sina Krish at Jeyya na nagtatawanan pa kanina.

.

.

.

Dia's POV

"Why did my brother invite you to come here? While there is no special event this week here in Altenstien."

"Royal matter?" Patanong kong sambit, napansin ko na napakunot naman ang noo ni Princess Athyna dahil sa sinabi kong iyon.

Alam kong ayaw mong may ibang pumapasok dito sa palasyo niyo lalo na kung bisita ng Kuya mo, pero bakit mo ako pinapunta sa chamber mo? 

"Whatever."

"By the way, I heard that you're going to the Netherlands after your royal matter or business matter here in Altenstien. Is that true?"

Tsismosa ka rin pala, pfft! 

"Pfft!"

"Is there anything funny?"

"My apologies Princess, I suddenly remembered something." 

Lukaret ka Dia, napalakas yata ang tawa ko sa itinutya ng isip ko. Hays, mukhang hindi ko ilalabas ang super saiyan kong ugali sa harap ng Prinsesang ito kapag ganito siya makipag-usap sa akin.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now