Chapter 28: Misunderstanding

55 2 0
                                    

Chapter 28: Misunderstanding

Dia's POV

Pagkarating na pagkarating namin ay agad na din akong nagpahinga ng mahigit dalawang oras bago harapin ang mga kasambahay at ipa bang tao dito sa loob ng palasyo.  Isang araw at limang oras lang naman ang itinagal ng biyahe kaya bagsak ang katawan ko matapos maihatid ng isa sa personal maid ko, kung sa Pilipinas si Ate Umi at si Manange Kera dito naman sa Rallnedia ay si Ate Maliya na halos isang taon lang ang tanda sa akin at si Manang Lou.

"Your highness you need to change your clothes." Isang babae ang pumasok sa kuwarto kung saan ako nagpahinga, siya rin ang nag-asikaso sa  lahat ng gamit ko na nakalagay sa maleta matapos naming makarating kanina. May isa pang babae na pumasok na may hawak na kulay baige na bathrobe na tila kakabili lamang dahil nakabalot pa iyon sa lalagyan niya habang nakahanger.

Si Maliya at si Manang Lou na nakasuot pa ng uniporme habang abala sa ginagawa nila, maya maya pa ay napagdesisyunan ko ng tumayo matapos mapansin na nakapatas na ang lahat ng susuotin ko.

"Excuse me? Saan po ang banyo?" Nakakunot ang noo nilang dalawa nang itanong ko iyon.

Teka nakakaintidi ba sila ng tagalog? Tanong ko sa sarili ko ng nakakunot din ang noo.  Tumagal ng mahigit isang minuto bago ako muli magtanong sa kanila.

"Sorry, where is the bathroom?"
Wala akong sagot na narinig mula kay Manang Lou, sa halip ay naglakad si Maliya sa kaliwang bahagi ng kuwarto kaya sumunod na lang ako.

May pinto akong nakita kaya napabuntong hininga na lang ako sa pag-aakalang iyon ang banyo, ngunit ng makapasok kami ay may tatlo pang pinto na bumungad sa aking paningin.

"This is your own living area, that door over there is your study room and library." Ang unang pinto ang tinutukoy niya na kaparehong kapareho ang kulay at design ng dalawa pang natitirang pinto.

"Here is your walk in closet and the next door is your bathroom." Katabi ng bathroom ang closet room kaya hindi mahirap na kumuha ng damit pagkatapos maligo.

"Thank you."

"You're welcome your highness." Pagkasabi niya no'n ay pumasok na din ako sa loob ng banyo.







Habang naliligo ay napansin ko ang isang display na nakasabit sa wall ng banyo. Kanina ko pa napapansin ang logo na iyon, 'yung iba ay nakapaskil sa bawat gamit, wall tulad dito sa banyo at furniture na nandito sa loob ng kuwarto.

Ang hitsura niyon ay kabayo sa gitnang bahagi, may shield at sword naman na tila ba nasa giyera ang kabayo.

.

.

.

Matapos maligo ay nagbihis na rin ako.

Naglalakad kami ngayon ni Maliya patungo sa dining room para maghapunan, at ngayong gabi rin ipapakilala ni Eve ang mga tao dito sa loob ng palasyo.

Habang naglalakad sa mahabang hallway ay hindi pa rin maalis alis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Matapos ko kasing makalabas kanina sa banyo ay agad na lumapit sa akin si Maliya at tinanggal ang suot kong bathrobe. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit iyon daw sadya ang role niya as a personal maid, mabuti na lang may suot akong underwear at wala na doon si Manang Lou dahil kung hindi sila ang unang makakakita sa akin ng hubo't hubad kong katawan.

"I'm sorry your highness." Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na makalapit siya.

"No, it's fine. Just let me dress myself, okay?"

"But---

"It's okay, hmm?" Nakatango ang ulo niya na tila hiyang hiya sa nangyari, sa katunayan ako dapat ang mahiya kasi ako ang nakitaan niya na underwear lamang ang suot.











Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now