Chapter 46: What If They're Twins?

41 0 0
                                    

Chapter 46: What If They're Twins?

Sylvia's POV

"Under observation pa rin ang status ng Mama mo sa ngayon, kaya hindi ko pa masasagot ang katanungan mo."

"Ilang araw pa po bago siya pwedeng ilipat?" Tanong ni Dia habang kausap ko.

"2 months is the minimum limit to condition her body for the transportation as for now, but I still need to run the observation."

"Ganun po ba?" Napansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha sa screen ng cellphone ko.

"Tatawag na lang ako sa'yo kapag may nagbago sa status, sa ngayon magpahinga ka muna."

"I'm fine Doc."

"Maghapon kang nasa trabaho kaya kailangan mong magpahinga. Sa weekend ko na lang ipapasa sa email ang chart, sige na magpahinga ka na diyan. Babalik na din ako sa hospital."

"Okay po, basta lahat ng chart ni Mama ay sa akin niyo po ipasa. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari three weeks ago."

"Sige, bye ingat." Pagkasabi ay agad na rin niyang pinatay ang tawag. Inilabas ko mula sa coat ang envelope na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naibibigay kay Dia. Isang letter na lang ang hawak ko ngayon at wala pa akong sapat na panahon kung kailan ko ito ibibigay kay Dia.

Isang linggo pa lang ang nakakalipas magmula ng umalis ni Dia dito sa Pilipinas pabalik sa Rallnedia. Dalawang linggo siyang namalagi dito upang masiguro na nasa mabuting kalagayan si Alondra.

Napakaswerte mo kay Dia Alondra. Pero hindi ko pa ba ibibigay sa kanya ang isa pang papel na ginawa mo? Alam kong naghahanap pa rin ng sagot si Dia tungkol sa tunay niyang magulang, ngunit paano ko naman ibibigay sa kanya ang ganitong klase ng papel na naglalaman ng mga kasagutan sa lahat ng kanyang katanungang?

"Doc may nakalimutan po ba kayo?" Agad kong ibinalik sa bulsa ng coat ko ang envelope, sabay lingon sa pinto ng kuwarto ni Alondra nang marinig ang boses ni Shine.

"This one." Nakangiti kong tugon sabay taas ng susi ng sasakyan ko.

Maya maya pa ay umalis na rin ako at nilisan ang bahay nina Dia. Tumungo na rin ako sa hospital upang macheck ang bagong information mula sa chart ngayong linggo.

.

.

.

Someone's POV

"You have only 3 weeks from now before the accession."

"Yeah I know."

"And you have 5 days to clear your background before the search operation."

"I also know that."

"Mukhang updated ka ngayon ah, mabuti naman kung ganun. Mas mapapadali ang trabaho ko, by the way hindi kita mapupuntahan next week." Alam kong sa palasyo ka nagtatrabaho kaya dapat lang na alam mo ang lahat ng nangyayari doon.

"Because you have an appointment with Princess."

"Bingo!" Nakangiti kong tugon, alam ko naman na wala siyang pakialam sa appointment ko with Princess dahil isa lang ang pakay niya kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito.

"I'll remind you that I only need the paintings and the seal for my parents' title." 

See? 'Yun lang ang gusto niya.

"Alam ko. Don't worry, on process na ang bagong paintings na kailangan mo but not the seal. Masyadong marami ang humaharang  sa schedule ko about diyan, kaya kailangan ko pa ng ilang araw."

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon