Chapter 49: Princess Collide

49 1 0
                                    

Chapter 49: Princess Collide

Gene's POV

Nang sumapit ang araw ng biyernes ay bumiyahe na rin kami patungo sa Altenstien.

Hindi na ako nagpakita pa sa kapulong ng Prinsesa bago kami umalis ng Rallnedia. Hindi niya deserved na magpaalam sa akin matapos ang lahat ng kanyang ginawa, mas pipiliin ko pa na mabuhay na wala siya kaysa ang makita at makasama siya.

.

.

.

Napapungay na lang ako nang malayan ang paglapag ng eroplano sa aming paroroonan, napalingon naman ako sa kinauupuan nina Krish at si Jeyya na magdamag na kasama ng Prinsesa sa pag-aayos ng mga papel kagabi.

"Good morning Lady Genevieve." 

"Good morning din." Tugon ko sa bati sa akin ni Krish, dumiretso ako sa banyo at agad na naligo. Pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng damit at lumabas sa kuwarto ko.

Naglakad ako patungo sa room ng Prinsesa. Pagkarating ay bumungad sa aking paningin ang pagiging abala niya habang kausap si Jeyya, si Krish naman ay naghahanda ng pagkain.

"Please skip this one." Iyon lang ang naabutan ko sa pag-uusap ni Jeyya at ni Dia, inayos na rin ni Mr. Yong ang mga papel nang makalapit ako sa kanila.

"Gene samahan mo si Krish pagkababa natin, si Hanz at Mr. Yong ang maghahatid sa inyo sa mall habang kasama ko naman si Jeyya sa Hotel."

"Hotel?"

"Yes, sabay sabay tayong pupunta sa palasyo ng Altenstien kaya mag-istay muna kami sa Hotel."

"I will book you in a private hotel."

"Nakapagparesereved na ako, you don't need to worry about that, by the way kumain ka na. Bababa na tayo mamaya maya." Napakunot noo na lang ako sa sinabi ni Dia.

Anong hotel ang pinili mo? Tanong ko sa isipan ko habang nakatingin sa kanya, nginitian naman niya ako nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Hindi kasing ganda ng City of Cratemia ang capital city ng Altenstien which is the Pihli, alam kong aware si King Seju sa mga media dito ngunit wala akong tiwala pagdating sa media nila.

.

.

.

Gaya ng sinabi ng Prinsesa sinamahan ko si Krish sa mall upang bumili ng ilang piraso ng damit. Hindi ko alam kung para saan ang damit, ngunit may kutob ako na para ito sa evening party dahil halos lahat ng nasa listahan ay puro formal gown.

Teka diba may sariling taylor ang Prinsesa, bakit kailangan niya pa magpabili ng ganitong gown? At sa mall pa talaga?

"Hindi po ba nabanggit sa inyo ng Prinsesa ang tungkol sa bagay na ito?" Nakakunot noo kong nilingon si Krish dahil sa tanong niya.

"Evening party?" Patanong kong sambit.

"Yes po."

"Diba may sariling taylor ang Prinsesa?"

"Yes po."

"So bakit pa siya nagpapabili ng formal gown?"

"Hindi po para sa kanya 'yan." Mas napakunot ang noo ko sa sunod niyang sinabi. Sa pagkakaalam ko kasi wala sa schedule namin ang umattend ng evening party, at wala rin sa mga gamit namin ang formal gown.

"Tama ba ako ng naiisip?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ni Krish dahil hindi naman niya nababasa ang iniisip ko.

"Business matter?" Tumango tango lang siya sa tanong ko.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon