Chapter 27: Cratemia School

64 2 0
                                    

Chapter 27: Cratemia School

Dia's POV

"Ma'am may bisita po kayo." Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses ni Jeyya.

"Sino?" Tanong ko sa kanya ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya, sa halip ay hinintay ko na lang kung sino ang papasok dito sa loob ng opisina.



"Hi, I'm sorry to interrupt."

"No it's fine, come in please." Napansin ko si Jeyya na may dalang isang tasa ng kape palabas galing sa kitchen ng office ko, palagi niyang ginagawa ang bagay na iyon sa tuwing may bisita ako or may appointment with other stockholders.

"Thank you."

"By the way, tatawagan na dapat kita para sabihin sayo ang tungkol sa fashion show pero napadaan ang manager ko dito sa Blant Styl para magpasa ng schedule ko." Napatigil ako sa paglalakad pabalik ng office table upang kunin ang phone ko ng sabihin iyon ni Alira.

"About fashion show, mukhang hindi na ako available that time." Mahinhin kong sambit matapos makabalik sa living area dito sa office.

"Yeah I already know, I understand naman."

"Thank you." Humigop siya ng kape matapos kong sabihin iyon.

"Jeyya tungkol nga pala sa request mo tungkol sa paintings. Nakausap ko na ang P.A. ko, bukas na bukas ipapadala niya dito ang canvas."

"Talaga po?"

"Para saan ang paintings?" Nagtataka kong tanong sa dalawa. Ngumiti lang sa akin si Alira at muling humigop ng kape sa tasa.

.

.

.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis na din si Alira kasama ang manager niya. Bumalik na din kami sa trabaho at ipinagpatuloy ang mga bagay na dapat tapusin.

Maghapon akong babad sa ginagawa ko dahil sa susunod na araw ay aalis na kami patungong Rallnedia. Pagkauwi ko sa bahay ay abala si Ate Umi sa pag-aasikaso ng aking luggage, maging iyon kasi ay hindi ko na mapagtuunan pa ng pansin dahil sa bawat minuto kong meeting at appointment.

"Isang maleta lang po ba ang kailangan kong dalhin?"

"Her grace choose these clothes as your ordinary outfit while in Rallnedia."

"So you mean I don't have any formal outfit in this luggage?"

"Yes your highness, in fact you have a lot  clothes in Rallnedia." Hindi na ako nagulat pa sa sinabi ni Ate Umi, kailangan kong sanayan ang sarili ko sa mga bagay tulad nito, lalo na ang mga bagay at gamit ba meron ako sa palasyo ng Rallnedia.

Matapos maayos ang bawat gamit na kailangan kong dalhin ay nagpahinga na din ako.

.

.

.

"May sampung minuto ka upang bisitahin ang Mama mo."

"Thank you Eve." Pumasok na din ako sa hospital at mabilis na tumungo sa room number ni Mama. Sa likod ako dumaan upang hindi ako makasalubong ng ibang pasyente.

365, 366, 367, 368, 369, 400. Iyan ang mga number na naka-assigned bawat pasyente na may malalang kalagayan. Humakbang pa ako ng mga ilan bago makarating sa room number 412.

Pumasok na din ako sa loob ng kuwarto ni Mama at mabilis na lumapit sa kinaroroonan niya. Walang ibang tao o nagbabantay kay Mama kaya sinulit ko ang sampung minuto bago ako umalis.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon