Chapter 56: Second Princess of Rallnedia

37 0 0
                                    

Chapter 56: Second Princess of Rallnedia

Aria's POV

Nagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama.
Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.

Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.

*DING

Napalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko.

.

.

.

"Aria bakit nandito ka?"

"Huh?"

"Sa kabilang van ka naka-assigned." Kinuha ni Mocha ang dala kong bag sabay upo sa bakanteng upuan sa loob ng van.

"Sinong may sabi sa'yo? Wala namang nabanggit si Mr. Castor tungkol diyan."

"Anong wala ka diyan? Hindi mo ba nabasa kanina sa group chat na inassigned niya ang bawat isa kung anong van ang sasakyan?"

"Hindi. Teka group chat? Kailan pa tayo nagkaroon ng group chat?"

"Hays Aria, sino ba kasi ang iniisip mo at parang lutang ka na naman? One month ago pa tayo nagkaroon ng group chat para sa bakasyon na 'to. Sana okay ka lang bes?" Binawi ko sa kamay ni Mocha ang bag ko at sa kabilang pinto ng van dumaan, ngunit mabilis niyang inilagay doon ang tatlong bag na nasa likuran lang kanina.

"Si Tuzy at Calli ang nakaupo diyan, tsaka hindi ka rito inassigned ni Manager."

"Mocha...

"Miss Guevara, ikaw na lang ang wala rito sa kabilang van! Diyan ka na ba sasabay?" Sabay kaming napatingin ni Mocha sa kabilang van kung saan nakatayo mula sa labas si Mr. Castor, ang team leader namin.

"Opo sir."

"Sigurado ka ba? Sakto na kasi ang bilang ng mga naka-assigned diyan, kaya dito kita inilagay."

"Ayos lang po sir."

"Baka magmukha kayong sardinas diyan?"

"Makikipagpalitan na lang po ako kay Mocha, diba Miss Gallegos?"

"No sir. Ayaw ko po, maarte lang 'tong si Miss Guevara kaya ayaw diyan sa van niyo."

"I see. Sige diyan ka na, sabihan niyo na lang ako kung komportable kayo sa biyahe after ng first stop natin."

"Salamat po sir." Nakangiti kong sagot, ibinaling ko na naman ang atensyon kay Mocha sabay irap sa kanya.

"Sige, mauuna na kami. Manong sumunod na lang po kayo, before 3 in the afternoon dapat nasa first stop na po kayo." Tumango tango lang ang driver sa sinabi ni Mr. Castor.

Pagkuway ay dahan dahan na niyang isinara ang pinto ng van, nahagip naman ng aking mga mata si Leyla na nakasandal sa kabilang bintana habang nakatuon ang mga tingin sa kawalan, may nakasalpak na headset sa tainga niya sa mga oras na iyon hanggang sa tuluyan ng sumara ang pinto.

"LQ?"

"Anong LQ? Nino?" Nakakunot noo kong tanong kay Mocha.

"Kayo ni Miss Secretary."

"Tss bakit naman kami magiging LQ?"

"Huwag ako, halata sa actions mo bes. Hays makaidlip nga muna kulang pa ang tulog ko e." Isinandal ni Mocha ang ulo niya sa bintana matapos isara ang pinto ng van, maya maya naman ay sumakay na rin ang iba pang naka-assigned dito sa van.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now