Epilogue

112 0 0
                                    

Alira's POV

"What is the meaning of this June?"

Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon.

"Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.

June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June.

"Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia."

Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang.

Dia?

"Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan.

"Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!"

"Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you have the right to stop answering at any time. Please come with us at the headquarters," sambit ng isa sa mga detective na dumating sa gitna ng tensyon.

"Where is your manner?! Do you think I will allow your actions against me?!"

Halata sa mga kilos ni Duke na guilty siya sa mga nangyayari, ngunit nagtataka pa rin ako kung paano nasangkot dito si June.

"Nico! Aren't you going to stop them?! What the hell are you doing? Sitting there and doing nothing? What a pathetic son?!"

Nanatiling nakaupo si Nico nang tingnan niya ang kinaroroonan ng kanyang Ama. Lumipas ang ilang minuto ngunit nanatili lang siya sa kinauupuan niya at tanging mata lamang nito ang gumagalaw. Hindi siya kumukurap habang nakatingin lang sa kawalan.

.

.

.

Shaine's POV

"What is the meaning of this June?" muli kong bulong na tanong kay June sa mga sandaling hinuhuli ng mga detective si Duke Markus na patuloy pa rin sa gusto niyang mangyari. Kumakawala pa rin siya sa mga kamay nito, kaya unti unti ko na ring nararamdaman ang mas mabigat na tensyon.

"I don't know Shaine. I don't know what Duke Markus is trying to say against me," nakatango nitong sagot sa akin.

Ayaw niya akong tingnan kaya mas lalo akong nainis sa mga sandaling iyon.

"Sa tingin mo ba mananahimik lang ako sa mga isyung ito? Kailan pa? Kailan ka pa nagkaroon ng koneksyon sa lalaking 'yun?"

"I don't know anything Shaine."

Lalong itinango ni June ang ulo niya kaya hindi ko makita ang mukha niya, lalo na ang mata niya na kaya kong malaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Mas nainis ako sa ginawa niya.

"Look me in the eye June," sunod kong sambit.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi ngunit iniiwas niya iyon sa akin, tumalikod pa siya sa akin kaya mas ramdam kong naguguilty siya sa gusto kong malaman.

"I don't want to."

"I said look me at me June! Paano ako maniniwala sa'yo kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo?"

"Just believe in me Shaine, I did not do anything wrong. I have never spoken to Duke Markus not even once, and I never thought of what the Duke are trying to say."

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now