Chapter 14

222 4 0
                                    

Chapter 14 

"Gel, mind telling me kung kailan nagsimula ang mga problema diyan sa kumpanya?" bungad ni Kurt sa kausap niya sa phone.

Nanatili akong nakaupo sa sofa habang siya ay pabalik-balik ng paglalakad sa harap ko. Minsan niya sinusuklay ang buhok sa frustration. Nagka-problema raw kasi sa kumpanya nila at late niya na nalaman. Ang nasa isip ko lang, bakit ngayon lang sinabi sa kanya and what the heck is wrong with their company?

"Where the heck is my father to fix that shit up?!" biglang sigaw ni Kurt na nagpalaki sa mata ko. I have never seen Kurt get mad like this.

"With his what?! That's bulls! I can't go there now, Gel!" sigaw pa nito.

Lumipat ang tingin sakin ni Kurt. He looks tired and all over worried and panicky. For an 18 year old, he sure does have a lot of work problem na hindi katulad ko. I gave Kurt a smile just to cheer him up and he returned it back with a light smile.

"I'll send Nicole, my secretary, over... Don't worry she's a professional, she'll be able to fix it up... Yes, thank you Gel and please, do tell my dad to stop being an asshole towards my mom." aniya sa ngayo'y mahinahong boses.

Binaba ni Kurt ang tawag bago siya umupo at ipinatong ang cellphone sa center table. He bowed his head na parang sa sobrang frustration niya ay hindi niya pa alam kung ano ba ang dapat isipin muna. Tumayo ako saka dumiretso sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Dalawang baso ang hawak ko kaya't inilapag ko ang isa sa center table bago ako yumuko sa harap niya at iabot ang tubig sa kamay ni Kurt.

He willingly took it saka nagpasalamat sa pagbigay ko ng tubig. Uminom siya rito saglit at medyo kumalma na rin ang paghinga ni Kurt kaya't iniabot niya na sakin ang baso saka ko itinabi sa baso ko.

Humawak siya sa kamay ko and I held it back. Hinalikan niya ito sa harap ko bago siya nagsimulang magsalita.

 "I can't go now, Irina." he said, exhausted.

"Your company needs you." sagot ko rito.

Umiling siya at tumingin sa mata ko. "They need my father, not me. You can't make me leave because I didn't ask you to leave me last Tuesday." aniya pa.

Binitawan ko ang kamay ni Kurt saka ko siya niyakap ng mahigpit. He placed his chin on my shoulders kaya't nagawa kong suklayin ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Hinagod ng isa pang kamay ko ang likod ni Kurt para ipaalam sa kanya na magiging magaan rin ang lahat.

Lumayo siya after how many minutes of being hugged. Humalik siya sa noo ko bago niya kinuha ang phone at nagsalita. "I'll call my ass of a father." aniya at tumayo.

Palabas na siya ng pinto nang magsalita ako. "Be easy, Kurt. Ama mo pa rin si tito." ani ko. Ngumiti siya ng tipid at sumagot.

"I lost my father when he replaced my mother, Irina but I will." aniya at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now