Chapter 38

217 2 0
                                    

Chapter 38


"Napakadaya mo talaga Kurt!" Reklamo ko.


"What? Ako pa madaya eh ilang beses ka na nga nanalo sakin." Sabi ni Kurt.


"Kung ako sa inyo, tigilan niyo yan." Sabi naman ni Ina na bagong gising.


Pinause ni Kurt ang laro namin sa Xbox na Call of Duty saka kami sabay na napatingin kay Ina sa second floor. Nakapameywang siya at magulo pa ang buhok. Matamang tinignan niya kami ni Kurt. Nagpeace sign ako sa kanya at tumawa naman si Kurt kaya siniko ko ito.


"Nagising ka namin?" Tanong ko.


"Obvious ba, kambal?" Aniya, pinagtaasan ako ng kilay.


Tumawa lalo si Kurt kaya siniko ko ulit siya sa tagiliran. I'm actually sitting in front of Kurt at nakapayakap siya sakin kung maglaro.


Bumaba ng hagdan si Ina habang nailing at dumiretso sa CR namin dito sa baba. Tinapik ko sa braso si Kurt para ipagpatuloy ang paglalaro. Inalis niya sa pagkakapause ang laro at nagsimula na ulit kaming maghanapan sa laro. Katulad ng apartment niya sa London ay pati ang bahay napupuno ng tawanan.


"Ha! Deads!" Sigaw ko dahil napatay ko sa laro si Kurt.


"Ako pa sinasabihan mo ng madaya ah!" Ani naman ni Kurt.


Naghanapan ulit kami ni Kurt hanggang sa tumunog ang cellphone niya sa center table. Pinause niya ulit yung laro saka niya inabot ang cellphone niya.


"What's wrong, Gel?" Bungad niya.


Nagpatuloy ako sa paglalaro para hanapin si Kurt. Nang mahanap ko siya at napatay ay napaigtad siya sa likod ko kaya natawa ako ng malakas. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang libre niyang kamay at patuloy ako sa pagtawa ko. Napasandal ako sa dibdib ni Kurt sa kakatawa.


"Is that really an emergency? I'm spending my day with my fiancee so why now?" Tanong ni Kurt.


Tumigil na ko sa pagtawa at tinignan si Kurt. Hinaplos niya ang buhok ko habang kausap niya si Gel.


"Okay. Move that meeting. I'll be there." Aniya at pinatay ang tawag.


Binalik ni Kurt ang cellphone niya sa may center table saka lumayo sa akin para makatayo siya. Sinundan ko siya ng tingin kaya tumingin siya sakin pabalik. Humalik siya sa noo ko bago tumingin sa orasan sa may pader.


"I have a sudden meeting. Gusto mong sumama or you're going to stay here?" Sabi niya sakin.


"I think, dito na muna ako. Hindi na ko napirmi dito sa bahay eh." Sabi ko.


Tumango siya at tinuro ang kwarto namin. Tinanguan ko naman siya saka siya pumanhik ng hagdan para makaligo ulit at makapagbihis. Nagpatuloy ako sa paglalaro at single player na lang ako. Si Ina kasi mukhang kinain na ng banyo namin dito sa baba at hindi pa nakakalabas.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now