Chapter 1

928 12 0
                                    

Chapter 1 

"Aray! Aishtt!" reklamo ko nang dumali na naman sa string ng gitara yung daliri ko.

Hindi pa kasi ako gaano ka-sanay sa paggigitara. Violin at piano kaya ko pero sabihin nating gitara na? Tss... magkanda-paltos paltos na nga daliri ko kakasubok ng pagtugtog eh. Pero wala tayong magagawa. Gusto kong pag-aralan eh.

"Had enough, sis?" tanong ni Ina na pumasok sa music room na mansyon ni lolo.

"Shut up Inari Viola Ascuncion Buenaventura!" sigaw ko at sinubukan ulit.

Tumawa ang demonyita kong kakambal na si Ina. Lumapit siya sakin at napansin kong she's on her way to school para mag-ice skate. Nakasabit sa kaliwang balikat niya ang ice skates niyang puti habang nakaleggings at blouse siya.

"Ayoko na!" pagwawala ko.

Umupo sa tabi ko Ina at may inabot sakin. Tinignan ko ito at nakita na isang kwintas ito na may customized guitar pick. Kinuha ko ito sa kamay niya at tinignan maigi. "Customized guitar pick for my twin sister." aniya kaya tumingin ako sa kanya. "Para di ka na mahirapan at magkapaltos." dagdag niya.

Tumingin sakin ang kambal ko tsaka niya binaba ang skates niya at inakbayan ako. "You know Irina, I am my father's daughter and you're my twin sister." aniya at huminga ng malalim tsaka ngumiti. "And our father said to never give up because he believes in us. Arajji?" aniya ulit.

Bumuntong hininga ako at tumango. Sinuot niya sakin yung kwintas na may guitar pick tsaka ko sinubukan maggitara ulit.

Sabay kaming napalingon ni Ina sa pinto nang may kumatok which is si appa.

"How's my twins going?" ani appa habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Annyeong appa!" sabay naming bati ni Ina.

Lumapit si appa sa amin at niyakap kami ni Ina. "It's nice seeing both of you together." ani papa tsaka siya bumitaw. "You twins continue what you are doing. Hahanapin ko lang si Zion." aniya pero bago siya lumabas ay tinawag siya ni Ina.

"Pa!" tawag nito. Lumingon si papa at nagtaas ng kilay. "Nasaan si eomma?" tanong ni Ina.

Ngumiti ang aming gwapong appa at tinuro ang kwarto nila ni eomma. "She's in our room. You might wanna visit her." ani papa at nagbuhbye na sa amin.

Isinabit ko sa likod ko ang gitara at si Ina naman ay pinulot ang ice skates niya tsaka kami sabay na pumunta sa kwarto nila mama. Kumatok muna kami ni Ina bago buksan at nakita namin si mama sa harap ng salamin nila.

She looked at us at ngumiti. Mom is really pretty pero kitang kita rin ng mata ko kung paano siya mapuno ng dugo sa ulo't hita. I hated that view but I choose to let it go pero si Ina? She cursed the Garcia's hanggang ngayon. Poor Zane. He loves my twin so much at dahil isa siyang Garcia ay di siya makahanap ng paraan para mapa-amo ang kapatid ko. Nagtatago tuloy kay Ina.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now