Chapter 23

166 2 0
                                    

Chapter 23


"Jace," tawag ni Chase sa akin.


Mag-isa lang naman kasi ako dito sa cafeteria gawa't break time ko. Ako lang kasi may klase pa sila Ina ngayon. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Chase. Kahit na ipinulupot niya ang mga bisig niya sa baywang ko at niyakap ako. Ang sabi ko magsisi siya na kahit gusto ko ang yakap niya, 'di ako matitibag.


"Anong kailangan mo, Chase?" Tanong ko rito saka ako kumurot sa kinakain kong tinapay.


"Are you still mad, babe?" Tanong niya at humigpit ang yakap niya sakin.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain pero ako ang nahihirapan kay Chase.


"Pwedeng umayos ka? Nahihirapan akong kumain nang nakayakap ka sakin eh." Reklamo ko.


Mahinang tumawa si Chase saka siya umupo sa tabi ko. Hindi ko matignan si Chase. Nanlalambot ako ng parang ewan. Siguro kasi may parte sakin na gusto ko nang lambingin si Chase pero may rin sakin na may galit sa kanya. Napahiya ako nang nirequest niyang kakausapin niya si Circe mag-isa. Hindi ba pwedeng kausapin niya na kasama ako?


Habang nakain ako ay walang ginawa si Chase kung hindi ang humilig sa akin at nakawan ako ng halik sa pisngi. Maya maya'y dumadami na ang estudyante dito sa cafeteria pero ganoon pa rin si Chase. Nakahilig pa rin sa akin. Tumingin ako sa relo ko at may klase akong natitira mag-isa.


Walang sabi-sabing tumayo ako at kinuha ang basura ko sa table kasama ng bag ko. Automatic na napatayo si Chase nang napansing nawalan siya ng katabi. Lumapit ako sa basurahan at tinapon ang pinag-inuman at pinagkainan ko saka ako bumaba ng hagdan. Nakasunod sa akin si Chase at kinuha sakin ang bag ko. Pinabayaan ko na lang. Wala ako sa mood. Malaki ang tampo ko at dama ko pa rin sa pisngi ko ang malupit na palad ni Circe. Kotang kota na siya kahapon.


Umakyat ulit ako ng hagdan papunta sa mga classrooms at pumasok sa subject ko. Nakasunod sa akin si Chase saka niya nilagay sa ilalim ng mesa ko ang bag ko. Humalik siya sa noo ko ng matagal saka bumulong sa akin.


"We'll talk later. Okay?" Aniya na tinanguan ko.


Umalis si Chase sa classroom at nagd-daydream na naman ang mga kaklase ko. Nakakaloka naman tong mga pero at least hindi sila katulad ni Circe na ginigyera ako pag nakikita kami ni Chase. Kaunti na lang talaga si Circe sa akin makokotongan ko na yung babaeng yun eh. Tinatlong sampal ko na hindi pa nagigising ang bruha.


Nagsimula ang klase ko nang may bumabagabag sa isip ko kaya hindi ako makapag-focus masyado. Nanatili ang mata ko sa guro namin na nagpapaliwanag ng formula sa Trigo. Yung ibang kaklase ko ay napapakamot na lang sa ulo pero ako nanatili akong nagsosolve at sinusundan ang instructions niya.


Nang tumunog ang bell, sinilip ko ang relo ko sa ilalim ng sleeves ng uniform ko. Tumayo ako at niligpit ang gamit ko. Akmang lalabas na ko ng classroom nang makita ko si Chase na naglakad palagpas kaya nangunot ang noo ko. Nasiraan ata ng ulo at dumiretso samantalang hinatid niya ko dito kanina.


Lumabas ako ng classroom at nilingon kung saan nagpunta si Chase. Kausap niya si Jacob ng masinsinan. Tumatango naman pa-minsan minsan si Jacob at nagsasalita rin siya. Kunot noong pinasadahan ni Chase ang buhok niya ng kamay niya at umiling kay Jacob. Tinapik siya sa balikat ni Jacob at patuloy sila sa pag-uusap.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now