Chapter 2

563 9 0
                                    

Chapter 2

"Nathalie! Uso bumangon sa kama!" ani ko kay Nathalie mula sa phone. 

"Shit! Sorry teh nakalimutan ko sabihin sa'yo pero nauna na ko dito sa school."  sagot ni Nathalie sakin.

Sinuklay ko ang buhok ko at tumingin sa kambal ko. Tinaasan ako ng kilay ni Ina at inirapan ko naman siya.

"Sige, okay lang. Sa susunod magsasabi ka ha?" ani ko at nagpaalam na kay Nathalie.

Pumasok ako sa van at tinabihan si Ina. Hinintay niya kong magsalita pero nang tignan ko lang siya ay hinampas niya ko sa braso ng malakas.

"Anong sinabi sa'yo?!" sigaw niya sakin.

"Wala! Nauna na siya sa di ko malamang dahilan!" sigaw ko pabalik kay Ina.

Bago niya ko talikuran ay hinampas ko rin siya sa braso dahilan para mapasigaw siya ng malakas. Tinawanan ko si Ina saka niya naman tinapik ang balikat ng driver para makapagpahatid na kami sa school. Hinagod-hagod ni Ina yung braso niya habang tawa naman ako ng tawa.

 Mabilis kaming nakarating sa school. Bumaba ako kasunod ni Ina saka siya pumunta sa likod ng sasakyan para kunin ang blades niya. Sumunod naman ako kay Ina at tinapik siya.

"Ano?" aniy sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Wow! Taray ha! Una na ko. Dumiretso ka na lang sa bleachers." sagot ko at tinulak ang noo niya.

"Ingat ka kambal! Mahal kita pero tanga ka minsan!" sigaw niya nang lumayo ako ng kaunti.

Hinarap ko siya at inindex finger para magsilbing bad finger kay Ina. Tumawa siya saka ko siya tinalikuran. Pumasok ako sa loob ng campus at niyakap ang libro ko saka ko pinatong doon yung music sheet. Project kasi to na ipapasa bukas. Inaayos ko na lang para mamaya, tetestingin ko ulit sa music room.

Natigil ako sa pagsusulat nang lumipad lahat ng gamit ko dahil sa pagkakabangga ko sa isang taong bato. Ang masama pa doon, sinigawan pa ko.

"Watch where you're going!" sigaw niya sakin.

"Peste!" sigaw ko at inangat ang tingin sa taong bumangga sakin.

Naglakad na palayo yung nakabangga sakin kaya mabilis kong pinulot yung gamit ko. Binato ko yung medyo makapal kong Math Book sa likod ng nakabangga sakin. Napatigil siya sa paglalakad at hinawakan ang ulo niyang tinamaan. Lumingon siya sakin at mabilis ako nilapitan matapos kunin ang librong binato ko.

Hinawakan niya ang coat ko at tinignan ako sa mata. Medyo iritado ang mata niya at unti-unti kong nararamdaman ang pag-angat ko sa lupa. Ngumisi pa ko sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Anong karapatan mong batuhin ako ng makapal na libro?" mahina pero may gigil niyang sabi sabay bato sa libro na ibinato ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now