Chapter 31

199 2 0
                                    

Chapter 31


Busy ako sa pagluluto habang si Ina naman ay labas masok sa kwarto niya sa itaas. Habang nagluluto ay ka-Facetime ko naman si Kurt. Nakatalukbong siya ng kumot habang nakapikit. 4:30 pa lang naman kasi doon pero nagkulit siya sakin na mag-Facetime raw kami.


"Irina," tawag ni Kurt sa pangalan ko.


Tinignan ko siya sa iPad pero nakapikit siya. "Yes, Kurt?" Tanong ko rito.


"My bed misses you..." Ungot ni Kurt.


"Kama mo lang nakakamiss?" Tanong ko ulit sa kanya.


Dahan-dahan siyang tumango habang nakapikit kaya natawa ako. Nilagay ko muna sa plato ang bacon saka ko nilagay sa mesa. Binalikan ko si Kurt na nakamulat na.


"Uuwi ako diyan para lang sa kama mo ha?" Ani ko habang natawa.


"'Di ko naintindihan masyado. I miss you." Sabi agad ni Kurt.


Lalo akong natawa sa sinabi niya pero nginitian ko siya. "I miss you, too. Pero mas miss ko kama mo." Pang-aasar ko.


Nagtago sa ilalim ng kumot si Kurt kaya tumawa ulit ako.


"Irina naman eh." Ungot ulit ni Kurt.


Para na kong timang na tawa ng tawa dahil kay Kurt. Naghain na muna ako at nilagay ang kanin sa may hapag. Binalikan ko ulit si Kurt na parang nagpipigil matulog.


"Matulog ka na muna kasi Kurt. Tatawagan kita mamaya." Ani ko rito.


"Okay, fine. Don't turn this off." Utos ni Kurt.


Tumango ako saka siya nagkumot ulit. Pumikit na si Kurt saka ko siya iniwan sa may kitchen counter. Bumaba na si Ina na nakayapak kaya tinignan ko ulit siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a grey pencil skirt at grey na blazer coat din. Naka-spaghetti tank naman siya na puti sa loob pero nakayapak talaga siya eh.


"I prefer na mag-heels ka, Ina. May pumps ako at stilettos sa cabinet ko." Ani ko rito at umupo sa upuan ko.


"You think so?" Tanong niya sakin.


Tinanguan ko si Ina habang nasandok ako ng kanina at ulam. Pumanhik ulit si Ina sa itaas saka ko narinig ang pinto ng kwarto. Bumaba siya agad na bitbit ang kulay grey kong stilettos at umupo sa kaharap kong upuan. Nagsalin ako ng orange juice sa may baso namin ni Ina saka ako nagsimulang kumain.


Bihis na kasi ako bago magluto. Mabuti na lang na hindi ako nangamoy ulam dahil kung mangyari man yun, maliligo na naman ako o kaya maliligo na ko sa pabango na magiging oa naman.


Nagkwentuhan kami ni Ina tungkol sa mangyayari sa opisina nila appa. Sinabi ko sa kanya na tutulong ako at bibisita rin ako doon some other time. Masyado pang bata si Zion para manahin ang kumpanya. Sa ngayon ay kami muna ni Ina ang mamamahala dito. Hindi pa nasasabi ni appa pero kami muna ang replacement. Kagagaling lang kasi ni eomma sa sakit rin kaya ito ang desisyon.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now