Chapter 21

184 3 0
                                    

Chapter 21

Hinilot hilot ko ang sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko. Busy kami sa pag-gawa ng assignment dito sa mansyon nila Anica at inaagaw ng swimming pool nila ang atensyon ko. Idagdag pa na napakahirap ng pinagagawa sa amin nung guro namin sa Physics.

"Ano ba naman kasing teacher yan. Half day na nga, napakahirap pa ng assignment na ipagagawa." reklamo ni Ina at marahang binato kay Juniel ang notebook.

"Kambal, 'di ba sabi niya nga na since half day naman raw, kalahating araw ka rin mag-iisip sa mga formulas na yan?" sagot ko kay Ina.

Hinampas ako ng tatlo sa braso habang nagtatawanan kami. Nakitawa na rin ako hanggang sa maramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko sa may bulsa ng coat ko. Binaba ko ang G-tech at calculator na hawak ko saka ko dinukot sa bulsa ang phone. Message ni Chase ang bumungad sakin kaya binuksan ko.

Chase

Where are you?

Inisip ko muna kung pagtitripan ko si Chase but then no, seryosohing tao si Chase. Baka awayin lang ako bigla at bumalik kay Circe edi ako na naman kawawa, di ba?

To: Chase

Here @Chieri's. Bakit? :)

Ayan, with smiley face. Tag-landi ako at gusto ko naman iparamdam kay Chase na mahal ko naman siya kahit minsan cold ako. Hindi ko naman kasalanan na naiilang ako eh. Di ba nga mahilig siya sa instruments niya? Tipong yun lang ang ka-holding hands niya.

Nagpatuloy ako sa pags-solve at akmang magcocompute na ko sa calculator ko ulit nang biglang mag-vibrate ang phone ko dahil sa text ni Chase.

Chase

Nothing, babe. I have a game at 5:00 and I'll drop by your house after the game.

Umirap ako sa nabasa kong text at mabilis na nagreply.

To: Chase

Okay :) Have a safe game, then.

Pagkasend na pagkasend ng text ko ay agad namang nagreply si Chase ng 'Will do.' sa akin. Hindi na ko nag-abalang mag-reply kay Chase at pinagpatuloy ang paggawa ng assignment para matapos na rin tong tatlong babae na ito. Kapag Physics kasi usapan, ako ang takbuhan ng tatlong ito. Si Chieri? Ayun, kausap ni Christophe.

I admit it. She's smart, beautiful, fierce and Zach would be lucky kung sakaling maging sila na. Same goes to Anica dahil suplado man sa una si Zach, he's nice at napaka-gentleman. Kapag nag-aaway kami ni Chase minsan kapag may nirereject siyang babae, pinagtatanggol ako ni Zach. Kuya ko na rin kasi yan although may crush sa kanya si Ina. Slight crush lang kaya nga happy siya nung nalaman niyang lagapak si Zach kay Anica eh. Finally raw.

"Irina, tapos ka na?" tanong sakin ni Juniel.

Binilisan ko ang pagsusulat ng solution. "Ito na, ito na." ani ko at chineck ko pa kung tama.

Nang makita kong tama ang solution ko ay binigay ko na sa kanila yung notebook. Napatingin ako kila Christophe na nag-uusap. Para silang magkapatid kung titignan. Ang cute.

"Anong oras na?" tanong ko kay Juniel.

"Quarter to five, te. Bakit?" tanong niya sakin pabalik.

"Wala kang part-time ngayon?" tanong ko ulit. Para kaming tanga na nagtatanungan dito, promise.

Umiling si Juniel bilang sagot saka siya ngumiti. Magtatanong ito ulit. "Wala kang gig?" sabi na nga ba magtatanong ulit.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now