Chapter 36

188 3 0
                                    

Chapter 36


Nagising ako nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw mula sa bintana. Ba't nga ba hindi ko man lang lagyan ng kurtina ang bintana na ito?


"Good morning." Sabi ng isang boses sa tabi ko.


Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nagkusot ng mata saka ko tinignan ang tao sa tabi ko. Tinitigan ko pa muna siya bago ko narealize kung sino ang tao sa harap ko. I'm actually lying on my front at mukhang ganito ako mula pa kagabi.


"Ugh!" Ungol ko dahil sa sakit ng ulo.


Bumaling ako kay Kurt at pumikit ulit.


"Oh God. Kurt, anong oras ka dumating?" Tanong ko rito.


"The same time you got home."


Umiling ako saka ako humiga ng maayos pero agad rin akong bumaling kay Kurt. Nagkusot rin ako ng mata at hinilot ang sentido ko.


"Sorry. Hindi pa kita nasundo." Sabi ko.


"It's fine. Girl's night out, I understand." Sabi niya.


Umupo ako at umungol ulit. Ang sarap iuntog ng ulo ko sa pader sa sobrang sakit pero alam kong lalo lang sasakit kaya wala rin. Lumapit si Kurt sa akin at dinaluhan ako. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko.


"Are you okay? Anong gusto mo?" Tanong niya.


"I want coffee. Seriously, anong oras na?" Ani ko.


Tumingin si Kurt sa relo niya bago sumagot.


"Quarter to seven. Maghilamos ka muna saka tayo kakain ng agahan." Utos niya sakin.


Tumango ako at kahit na hindi ako diretso makapaglakad dahil sa sakit ng ulo ay nakarating pa rin ako sa CR ko. Ang lamig ng tubig sa araw na mainit ay nakakapanggising. Kahit papaano naman ay nagising ang diwa ko. Nahimasmasan ako ng kaunti.


Lumabas ako na umiiling habang sapo ang noo. Lumapit sakin si Kurt at sa gulat ko ay bigla niya kong dinala sa mga bisig niya. Binuhat niya ko ng parang kasal kaya napasigaw ako saglit.


"What the hell?" Ani ko sa gulat.


"Kumalma ka nga. Ibababa lang kita. Mahulog ka pa sa hagdan edi naletse pa tayo."


Tumawa ako saka kami lumabas ng kwarto. Muntikan pa kong tumalon mula sa bisig ni Kurt nang makita kong may tao sa sala namin. The hell with Ina! Bakit nandito sila Chase?


Bumaba ng hagdan si Kurt at agad naman akong tumingin sa likod ni Kurt. Dama ko na ang tingin ni Zane at ni Chase sa amin ni Kurt. Parang gusto kong bumaba mula sa pagkakabuhat sakin ni Kurt saka ako aakyat pabalik sa kwarto ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pesteng yan! Natunaw lang yung yelo, balik na sa ganito agad.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon