Chapter 37

176 2 0
                                    

Chapter 37


Paglabas ko mula sa kwarto namin ni Kurt ay unang bumungad sa umaga ko si Chase na nagbabasa ng dyaryo sa may salas. Kaunti na lang talaga iisipin ko nang dito nakatira tong lalaking to eh.


Umirap ako at bumaba ng hagdan.


"Hi, Irina! Good morning!" Bati ni Zane sa akin na umiinom ng kape.


"Good morning din." Ani ko at dumiretso na sa kusina.


Kumuha ako ng baso mula sa cupboard saka ng tubig sa ref at pinagsalinan ng tubig ang baso para sakin. Painom pa lang ako ng tubig nang biglang pumasok sa kusina si Chase. Nangunot ang noo ko at pinili na lang na baliwalain si Chase.


"You're really going to push this wedding, huh?" Simula ni Chase.


Tinignan ko siya saka ko binaba ang baso.


"Itutuloy ko kung ano ang gusto ko."


"Kahit na masakit? I can feel you, Irina." Seryoso niyang sabi sa akin.


Pinangunutan ko ng noo si Chase. "What are you saying? Chase, ano pa bang gusto mo? Didn't I just gave you what you want?" Tanong ko dito.


"Takot ka, 'di ba? Kaya ayaw mo sakin kasi takot kang masaktan?" Tanong niya pabalik.


Natigilan ako kasabay ng pagkawala ng kunot sa noo ko.


"Natatakot kang masaktan pero sa ginagawa mo nasasaktan ka na. Ikaw ba, Irina. Ano bang gusto mo?" Aniya.


"Hindi ako nasasaktan kay Kurt. Mas gusto kong ipagpatuloy ito dahil wala na tayo. Hindi na dapat binabalikan yun."


"Hindi na dapat binabalikan pero si Kurt binalikan mo? Please make me understand kung anong pinagkaiba namin ni Kurt. Bakit siya nagagawa mong balikan? Bakit ako? Bakit ako na nagpaliwanag na ko hindi mo magawang balikan?Sabihin mo sakin yung dahilan kung ba't ayaw mong bigyan pa ng chance yung sa atin!"


"Because our past relationship is nothing but strings, Chase! Napigtal na! Wala ng magagawa para maikabit pa ulit! Kahit anong gamitin mo para maikabit pa ulit yan, mapipigtal at mapipigtal pa rin yan!" Sabi ko.


Natahimik si Chase. Natawa siya saglit at umiling bago niya pinasadahan ang buhok gamit ang mga kamay niya.


"You don't compare our relationship to a fucked up string, Irina. You just don't." Aniya at iniwan ako sa kusina.


Hinawakan ko ang baso ko at uminom ulit. I suddenly feel like crying. Pero anong karapatan ko? Nabitawan ko na ang mga salitang yun kay Chase. I lied about saying that at mukhang hindi nagustuhan ni Chase yun. Sana tigilan niya na ko. Sana lang.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon