Chapter 32

173 3 0
                                    

Chapter 32


Simula ng makauwi si Chieri dito sa Pilipinas at ang pagsulpot ulit ni Zach bago makauwi si Chieri, puro kami lakwatsa na magbabarkada. Ngayon naman, tumawag si Juniel kay Nathalie. Inaaya niya kaming pumunta sa Pangasinan.


Tulad namin ni Chase, wala ring araw na hindi nag-aaway sila Chieri pero siyempre, hindi na kami nagtatalo ni Chase.


Nilalaro namin ni Ina si Shin dito sa may loob ng van. Nasa labas kasi yung iba, nagpapahangin eh ayoko namang umupo sa may gutter kaya dito na lang muna kami ni Ina.


"Tulungan mo kong magpalaman ng sandwiches, Irina." Ani sakin ni Ina.


Pinaupo niya si Shin sa tabi niya saka kami nagpalaman ng tinapay. Napatingin ako sa may pinto ng van at umupo si Nathalie doon. Lumapit naman si Chieri kay Nathalie. Maya maya ay nag-aya na si Chase na umalis. Alas tres naraw kasi kaya napatingin ako sa relo ko. Alas tres na nga.


"Chieri, you might want remove yours shades for a while?" Ani Chase kay Chieri.


"May mga paparazzis sa tabi tabi diyan, Chase." Sagot ko para kay Chieri.


Tumango si Chase sa sinabi ko. Matapos namin magligpit ni Ina ay binuhat niya si Shin saka kami lumabas ng van. Naunang pumasok ng van si Zane kaya nandoon siya sa may tabi ng bintana. Pinasunod ako ni Ina kaya inirapan ko muna siya bago ako sumunod. Umupo naman sa tabi ko si Ina at pinaupo si Shin sa may window seat.


Si Kendra, Jin, Nathalie at si Justin ay nasa may harap naming apat at sa harap nila umupo si Zach at si Chase. Nasa may tabi ng driver si Salvador at si Chieri ang pinakahuling sumakay. Nagsimula kaming bumiyahe at sa durasyon ng biyahe hanggang sa huminto kami sa gasolinahan ay puro mura ang naririnig ko kay Chieri. Hindi rin siya mapakali sa kinauupuan niya.


Mas lalong napamura si Chieri nang magbukas ng Cracklings si Kendra. Ngumiwi ako sa amoy na ikinakalat ng aircon kaya nabatukan ni Jin si Kendra. Habang nagkakagulo sila Zach sa harap, napag-isipan kong bumawi ng tulog. Hindi na ko nakatulog masyado sa hotel.


Matapos siguro ang apat na oras na biyahe ay nagising ako. Kumakain ng tinapay sila Ina habang si Shin ay naalimpungatan kasabay ko. Tinapik ko si Ina saka ko tinuro si Shin. Pinakain niya ito at ako naman ay kumuha ng maiinom. Nang medyo bumalik na ko sa wisyo, tumingin ako kay Kendra. Nagtatawanan sila sa harap namin at sumasali si Zane minsan.


"Kendra," tawag ko rito kaya tumingin siya saglit.


"Hindi ba ikaw yung nasa commercial ng Nesfruta dalandan?" Tanong ko at nagtawanan silang lahat pwera sa mga nasa unahan.


"Ako yun, nung bata pa ko. Ni-revive." Palusot ni Kendra kaya nabatukan ulit siya ni Jin.


"Kuya, kanina ka pa." Reklamo nito sa kapatid.


Nagtawanan kami pero sila Chase sa harap ay mukhang tulog pa o pwede ring sadyang seryoso sila masyado ngayon kaya ayaw tumawa.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now