Chapter 18

203 2 0
                                    

Chapter 18

"Nasaan na si Zane?" nag-aalalang tanong ni Ina.

Napatingin ako kay Chase na katabi ko. Nagkibit balikat siya saka ko ibinalik ang tingin kay Ina na pabaling baling sa paligid. Nakahawak si Chase sa baywang ko habang pinanonood namin si Ina. Hindi ko alam paano ko kakausapin si Ina kung ganitong nagpapanic siya sa harap namin ni Chase.

"Kambal!" aniya at humawak sa kamay ko.

Bumitaw si Chase sa pagkakahawak niya sakin at lumapit sa tenga ko nang maghanap ulit sa paligid si Ina.

"I'll try to call Zane. You stay here with Ina for a moment." bulong niya na tinanguan ko.

Humalik siya sa sentido ko saka umalis. Hinarap ko si Ina na mangiyak-ngiyak na pero di siya pwedeng umiyak. Masasayang kasi yung effort ko sa pagmemake up ko sa kanya. Ilang oras ko rin inayos ang mukha't buhok niya tas sisirain lang ng luha niya? Sapakin ko si Zane pagbalik niya!

Nitong mga nakaraang araw, tulad namin ni Kurt noon ay si Chase naman ngayon ang lagi kong kasama. Hindi umiimik si eomma at appa, nginingitian niya lang kami ni Chase kapag nakikita kami. Tumawag si Kurt nung tuesday at tinanong ko kung bakit ganoon sila eomma, ipinaliwanag niya raw at sinabi ang totoo.

Napa-iling na lang ako. Naalala ko kung paano tumawa si eomma at appa na parang wala akong ginawang masama. Sinabi na rin kasi sakin ni Kurt kung ano yung kinuwento niya kila eomma.

"Diba dapat magkasama kayong pumunta dito ni Zane?" tanong ko kay Ina.

Tumango ito habang kagat ang labi. Naiiyak na tumingin sakin ang kambal kong hindi ko maidedeny na kambal ko talaga dahil kamukhang kamukha ko talaga ito.

"N-nagtalo na naman kasi kami kagabi." sagot nito at umiwas ng tingin sa akin.

"Bakit? Akala ko maayos na kayo ni Zane." ani ko.

"Wala lang yun kambal. 'Wag mo na lang alamin." sagot ni Ina sakin kaya ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabi niya.

"Kainis na tao yun!" rinig kong sabi ni Ina nang lumayo ito ng kaunti sakin.

Maya-maya pa ay nakita ko si Chase na kasama na si Zane. Parehas sila ng damit ni Ina. Ang cute tignan dahil bago siya sa mata ko at pares pa sila ni Ina. Ngayon ko lang kasi nakita si Ina magtrabaho na walang kasamang partner kasi ngayon niya lang rin sinubukan kahit ayaw nila eomma.

Pagkalapit sa amin nila Chase ay niyakap ako ni Chase saka humalik sa noo ko as if ilang araw kami hindi nagkita samantalang sasaglit lang naman siya nawala. Tumingin ako kila Ina. Nang makita niya si Zane ay inirapan niya ito saka siya nagsalita.

"Tayo na sunod, ayusin mo buhay mo." sagot ng kambal ko at nang tawagin ang pangalan nila ay tumapak sa yelo si Ina.

Nagpadulas si Ina sa gitna habang tumitingin sa buong stadium na may ngiti sa labi. Bumuntong hininga si Zane at sumunod kay Ina na nasa gitna. Lumapit kami ni Chase para mapanood namin sila ng maayos. Humawak si Ina sa balikat ni Zane habang ang kamay ni Zane ay nasa likod niya saka sila magkahawak ng kamay.

Nang magsimula ang tugtog ay saka sila nagsimulang gumalaw. Napansin ko na sa movements nila maayos naman ang flow nila. Hindi sila nagkakamali sa ginagawa nila unlike kapag nagpapractice sila.

Iba't ibang stunts ang ginawa nila Ina. Hindi ako maalam sa mga spins at lifts nila kaya hindi ko madescribe masyado. Natapos sila na buhat buhat ni Zane si Ina sa mga bisig niya. Ibinaba niya si Ina saka sila nagbow sa harap ng mga nagpapalakpakang tao. Hindi sila agad pumunta dito dahil nag-uusap pa sila.

Nothing But StringsOnde histórias criam vida. Descubra agora